^

Pang Movies

Transgender na si Kevin Balot napagkamalang babae ni Jake

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pumirma sa ikalawang pagkakataon ng kontrata sa Finessa Aesthetica si Kevin Balot bilang model ng beauty product kamakailan.

Si Kevin ay isang transgender na kaibigan ni Jennifer Laude, ang transgender din na pinatay ni US Marine Joseph Scott Pemberton. Gusto pa rin ni Kevin na mabigyan ng hustisya ang nasawing kaibigan.

Kung sakaling isapelikula ang buhay ni Jennifer, gusto niyang siya ang gumanap na bida rito.

Kahit sinong makakita kay Kevin, hindi puwedeng hindi siya mapagkamalang babae. Babaeng-babae siya sa tindig at maging sa kutis. Inakala nga ni Jake Cuenca na isa siyang tunay na babae nang makita’t makilala ito sa isang bar sa Makati.

Isang kabarkada rin ng boyfriend ni Iza Calzado, ang nag-akala at nagsabing “very hot” girl si Kevin, kaya nang inginuso si Kevin ng kaibigan kay Iza, napatili si Iza “Oh, my G!” sabay tawa.

Mga mata ni Maureen umaakting

Na-impress kami sa acting ng kaibigan naming si Maureen Mauricio sa latest episode ng MMK (Maalala Mo Kaya) kung saan siya gumanap bilang ina ni Denisse Laurel. Sa Saudi Arabia ang location ng istorya at naka-Saudi costume si Maureen.  Kahit halos wala siyang dayalog, epektibo naman niyang nagagamit ang kanyang mga mata. Bukod sa MMK, regular ding mapapanood si Maureen sa Bridges of Love na nag-start na last week sa ABS-CBN.

vuukle comment

BRIDGES OF LOVE

DENISSE LAUREL

FINESSA AESTHETICA

IZA

IZA CALZADO

JAKE CUENCA

JENNIFER LAUDE

KAHIT

KEVIN

MAUREEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with