^

Pang Movies

Totoong ‘nagmamay-ari’ sa aktres umalma! Jodi nagamit ng isang brand ng slimming pills

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Walang kamalay-malay si Jodi Sta. Maria na ginagamit siya ng isang slimming pill brand at kine-claim ng manufacturer ng produktong ‘yon ang “amazing diet secret” ng aktres na mas lalong nakilala bilang si Maya sa nagtapos na romance-comedy series ng ABS-CBN na Be Careful with My Heart.

Nabuking lang ang panggagamit kay Jodi nang matuklasan nina Niño Bautista at Red Gatus, founders at directors ng BARGN, Phils., maker and distributor ng Cosmo Body slimming capsules, ang naka-post sa isang website na nagsasabing tine-take nga ni Jodie ang produktong ibinebenta nila roon.

Ikinagulat ‘yon ng dalawa at sinabing imposibleng mangyari ‘yon dahil kamakailan nga lang nag-renew ng kontrata sa kanila si Jodi at ang management company nito, ang Star Magic, Inc.

“We’re spending a lot for Cosmo Body marketing and promotions, ‘tapos, may manggagamit sa endorser namin at palalabasin nilang endorse nila si Jodie at ‘yung produkto nila ang ginagamit ni Jodi.

This is not a joking matter!” sabi ni Mr. Bautista.

Ayon naman kay Mr. Gatus, gagawa sila ng legal action sa bagay na ito at ire-report nila ang naturang produkto at ang manufacturer and distributors nito sa proper authorities.

“Panloloko sa mga tao ang ginagawa nila dahil ang Cosmo Body ang talagang ginagamit ni Jodi.

Kahit naman ang entertainment press na um-attend sa presscon ni Jodi after niyang mag-renew ng kontrata sa amin, eh, makakapagpatunay na ang Cosmo Body ang ginagamit at ine-endorse na slimming product ni Jodi,” dagdag pa ni Mr. Gatus.

Pinaiimbestigahan na rin nina Niño at Red sa pamamagitan ng kanilang legal counsel ang panggagamit ng ibang slimming product sa kanilang Cosmo Body endorser.

Actually, maraming mga ganitong pangyayari at ilang celebrity na rin ang nagagamit ng ilang mga produkto na nag-a-advertise sa iba’t ibang websites at pinalalabas na ang mga sikat na personalidad ang endorsers ng kanilang mga produkto kahit hindi naman talaga totoo.

Hunk actor nabaligtad sa hiwalayan nila ng ex na aktres

Maraming mga nang-iintriga sa hunk actor na ito dahil sa pagbe-break nila ng isang aktres.

Akala ng iba ay basta na lang iniwan ni hunk actor ang ex-girlfriend, pero ang totoo pala, si aktres ang nakipaghiwalay sa ex-boyfriend.

May iba pa na pinagdududahang nambabae si hunk actor kaya sila naghiwalay, pero ang totoo naman pala, masyadong loyal si lalaki kay babae.

Actually, pagdating nga sa relasyon nila ni aktres, tahimik lang si hunk actor at dahil ayaw niyang nagugulo sila ng intriga noong magkarelasyon pa sila, kahit sa kanyang management team ay hindi nagsasalita si hunk actor para walang tsismis na lumalabas.

Sa totoo rin daw, sobrang ikinalungkot ni hunk actor ang paghihiwalay nila ni aktres, pero wala nga raw siyang nagawa dahil si babae naman ang nag­desisyong maghiwalay na sila.

vuukle comment

ACTOR

BE CAREFUL

COSMO BODY

HUNK

JODI

JODI STA

MR. GATUS

NILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with