^

Pang Movies

Ise-secure muna ang future ng mga anak Ruffa ayaw pa uling pakasal!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Super work out pala ang ginagawa ngayon ni Ruffa Gutierrez dahil malapit na raw nilang simulan ang season 3 ng It Takes Gutz to be a Gutierrez.

“Malapit na kaming magsimula, so kailangang maging payat ako,” say niya nang makausap namin sa 9th anniversary ng Cosmo Skin held at SM Mall of Asia Atrium last Friday night.

Si Ruffa ang ambassador ng Cosmo Skin at ngayon ay nadagdag na ang Fil-Am model na si John Spainhour for Euphoria Maxx.

Anyway, kuwento ni Ruffa, kararating lang daw sa bansa ng direktor nila sa It Takes Gutz to be a Gutierrez  kaya pinag-uusapan na nila ang mga detalye at pre-production at magsisimula na sila this end of March.

So, sa season 3 ba ay ang love life na niya ang magiging highlight with her foreigner boyfriend na si Jourdan Mouyal?

“Hindi pa naman. Pinilit-pilit ko lang siyang maging cover ng Star Studio. Medyo 10 hours ko siyang pinilit-pilit para ngumiti. Pero nakakaloka, si Mommy (Annabelle Rama), hindi niya alam ‘yun kaya 2 weeks and a half na kaming hindi nag-uusap ni Mommy. Nagbati lang kami sa debut ni Julia Barretto. Kasi wala kaming choice, magkatabi kami, eh,” pagre-reveal ni Ruffa.

Bakit nagalit ang mommy niya?

“Kasi, hindi kami nagpaalam kay Mommy. Mom, sorry ha? Alam ko kasing hindi siya papayag. So, bilang manager, alam kong nagalit siya, hindi niya talaga alam. Nalaman na lang niya, nasa newsstands na,” kuwento ni Ruffa.

Kaya siya na mismo ang lumapit sa ina para makipag-ayos noong debut ni Julia.

“When I saw nga the parents of Marjorie doon sa debut ni Julia, na-touch ako. Sabi ko, ‘wow, bati-bati na sila,’ sabi ko, ‘batiin ko na nga mommy ko, My god, kita mo nga sila, bati na.”

“Na-inspire ako, so nun’g tinabihan ko na siya, kasi hindi kami nag-uusap, eh, like 3 weeks na at saka sa lahat talaga, sinasabi niya, hindi kami bati.

“Ma, kailangan talaga ipagkalat mo na hindi tayo nag-uusap?”

Tinabihan daw niya ang ina at tsinika na niya.

“Tumabi lang ako sa kanya at tsika-tsika na kami, tsismisan na kami tungkol sa flowers na ang ganda, mga ganu’n, kung sino mga nandu’n, parang walang nangyari.

“So ngayon, friends na ulit kami. Nagtatawagan na ulit kami five times a day,” natatawang kwento ni Ruffa.

So, okay na ba ngayon sa mommy niya si Jourdan?

“Si Mommy has her seasons, eh. There are days na ‘pag good mood siya, type niya. There are days naman na masungit siya, hindi niya type.

“Pero alam ko, feeling ko, friends na sila, eh kasi after niyang inaway-away at pinahiya nun’g birthday niya, nun’g Pasko, binigyan niya ng Givenchy na tie. O ‘di ba? So, kung hate niya, ba’t niya bibigyan? Unless gusto niyang sakalin siya with the tie, ‘di ba?

“And then, after that, galit na naman siya, so hindi ko alam.”

Pero ang maganda naman daw kay Jourdan, hindi naman daw nito pinapatulan ang mga moods ng kanyang ina.

“Even if my mom ignores him, ‘hi’ lang siya ng ‘hi,’ si Mommy naman, parang nakatingin lagi sa langit.

“Alam mo, ang maganda kasi sa mga taong may paninindigan, kahit na anon’g gawin ng kahit sino, basta ipaglaban ka, ‘yun ang pinaka-importante.

“Para sa kanya (Jourdan), as long as he respects my mom, as long as he’s nice to her. . .sabi kasi ni Mommy, one day, iiwanan din ako no’n. Paano niya alam, ‘di naman siya manghuhula?” sabi pa ng aktres.

Parang gusto nga raw niyang i-dare ang ina dahil lahat na lang daw ng lalaki ay ayaw nito para sa kanya.

“Parang lahat na lang, simula nun’g 13 ako, ayaw niya. Ano ba talaga ang gusto niya for me? Puwedeng siya naman ang mag-set-up sa akin? Tingnan natin kung ‘yung type niya, matataypan ko,” pahayag pa ni Ruffa.

When asked kung nakikita na ba niya ang relasyon nila ni Jourdan na posibleng humantong sa kasalan aniya ay wala pa sa isip niya ang mga ganu’n.

“Hindi ko pa iniisip ‘yun. Para sa akin, what I’m really focused on now is you know, providing for my kids in the future, siyempre hindi na rin tayo bumabata and I have two kids and a single working mom, so importante talaga na i-secure ko ‘yung future nila,” she said.

vuukle comment

ALAM

COSMO SKIN

JOURDAN

KAMI

MOMMY

NIYA

RUFFA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with