^

Pang Movies

Sarah at Matteo pinatunayang hindi pa sila hiwalay

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Pinatunayan nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na hindi sila break nang magkasama silang nanood ng Ed Sheeran in Manila concert sa SM Mall of Asia Arena last Thursday evening. Nakunan ng video ng isang fan ang sweetness nila. na dalawa lamang sa maraming celebrities na nakita sa concert.  Nag-post din sa kani-kanilang Instagram (IG) accounts sina Gabby Eigenmann, Barbie Forteza, Bea Binene, Joyce Ching, Janine Gutierrez, Julia Barretto, na nagpakitang full-packed ang Arena.

Rocco magbi-birthday kasama ang mga batang may cancer

Sa March 21 pa ang birthday ni Rocco Nacino pero ngayong Saturday, March 14, may birthday party na siya sa Bahay Aruga sa San Marcelino, Manila, para sa mga pediatric cancer patients.

Sasamahan kaya si Rocco ng girlfriend niyang si Lovi Poe na pasayahin ang mga batang maysakit?

Habang naghihintay pa si Rocco ng next soap ­niya sa GMA-7, tinapos na niya ang shooting ng Brillante Mendoza film na Balut Country for Sinag Maynila sa direksyon ni Paul Sta. Ana, at showing na sa March 18 in selected cinemas.  

Mamayang hapon din featured si Rocco sa Frame Up episode ng Wish Ko Lang ni Vicky Morales.  At sa Lunes, March 16, ididetalye ni Rocco sa Alisto ni Arnold Clavio, 4:35 p.m. sa GMA-7, ang hindi malilimutang eksena niya sa Pedro Calungsod movie na muntik na siyang malunod dahil hindi niya matanggal ang mabigat na batong nakatali sa paa niya habang nakababad siya sa malalim na tubig ng dagat. 

Kambal nina Zoren at Carmina hanggang ASAP daw muna

Natatawang kuwento ni Zoren Legaspi sa special lunch with some entertainment press na ayaw nila ng wife na si Carmina Villaroel na matawag na stage pa­rents, kapag tuluyang pumasok sa showbiz ang kambal nilang sina Maverick at Cassandra.  Sa ngayon, pinapayagan lamang nilang mag-guest ang mga anak sa ASAP dahil pareho silang mahusay su­mayaw.  Kapag nasa show ang dalawa, naroon din sila ni Carmina at ayaw nga nilang isipin ng mga nakakakita na binabantayan nila ang mga anak.  Mabuti raw kapag nagsu-shoot sila ng commercials dahil lagi naman talagang kasama nila ang dalawa at hindi sila masasabihang binabantayan ang mga anak nila.

Bukod sa commercial shoots, busy din si Zoren sa taping ng Forevermore with Enrique Gil at Liza Soberano at nagpapasalamat siya na hindi na sila umaakyat ngayon ng Tuba, Benguet, na 5,000 feet above sea level ang taas, para sa taping dahil mahirap daw doon, pero ang ganda naman ng view at napakalamig ng weather.

vuukle comment

ARNOLD CLAVIO

BAHAY ARUGA

BALUT COUNTRY

BARBIE FORTEZA

BEA BINENE

BRILLANTE MENDOZA

ROCCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with