Liza hindi kayang talikuran ang ballet
Hindi naman pala totally mawawala sa eksena ang prima ballerina na si Liza Macuja-Elizalde ng bansa.
Mahirap man isipin sa part ni Ms. Liza na hindi na siya makakasayaw na bahagi na ng buhay niya, positive pa rin itong magtrabaho sa mundo ng ballet.
Dumaan nga si Ms. Liza sa surgery ang kanyang left hip bone na pina-polish ng doctor para ma-correct uli sa tamang alignment, kaya tuloy pa rin ito sa kanyang rehabilitation.
Hindi dapat malungkot ang kanyang fans lalo na ang mga bagets na gustong sundan ang yapak ng kanilang idolo. Marami pa rin magagawa si Ms. Liza na excited and looking forward na magturo at magdirek ng ballet show.
Hindi na raw mawawala sa kanyang sistema ang ballet na bahagi na ng kanyang buhay.
Samantala, isa ring mahusay at dedicated na ballerina ang anak ni Liza na si Michelle Elizabeth “Missy” Elizalde na namana ang passion at art sa pagsasayaw ng ballet ng kanyang mama. Fighter ang 16 years old na anak ni Liza na never ginamit ang name ng kanyang sikat na mama ballerina. Disiplinado rin ito na joy of pride rin ng kanyang mama at Pops na si Fred Elizalde dahil naba-balance niya ang kanyang schooling at pagsasayaw ng ballet na parehong with flying colors dahil lagi rin itong kasama sa honor roll ng kanyang school. Good model ang anak ni Liza na sanay nang ikumpara sa Mama Liza at Pops Fred nito na bukod sa graduate lang naman ng magna cum laude sa Harvard University ang father niya, may-ari pa ng Star City, pero determinado at chill lang ang bagets na gumagawa ng sarili niyang name.
- Latest