^

Pang Movies

Sarah inulan ngimbyerna sa hindi pagsalba kay Kokoi

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Maraming fans ni Kokoi  Baldo ang hindi natuwa sa desisyon ng kanyang coach na si Sarah Geronimo last Sunday night sa The Voice of the Philippines Season 2 nang hindi niya na-save ang reggae singer ng Boracay. 

Kaya nakatikim ng mga batikos sa mga basher si Sarah sa nasabing singing contest ng ABS-CBN dahil na rin sa sobrang pagka-emosyonal ng Pop Princess sa kanyang desisyon.

Kitang-kita naman na nahirapan ang singer/coach sa kanyang pagpili, pero feeling ng fans na  maling-mali ang desisyon ni Sarah, kaya  marami ang pumalag para sa reggae artist at nakikisimpatya sa sinapit ni Kokoi.

Katakut-takot ang tanong ng fans kung bakit hindi si Kokoi ang binig­yan niya ng chance na lumaban sa kanyang team sa final round next week para sa top two ng bawat team.

Marami pa ring fans ang naniniwala sa talent ng tinaguriang reggae tatay ng The Voice at nagsasabing hindi natatapos ang singing career ni Kokoi sa singing contest sa husay nitong mag-perform.

Fans ni Aljur hindi pa rin sumusuko

Hindi pa rin sumusuko ang fans ni Aljur Abrenica na muli itong mapanood sa Kapuso Network. Panay ang tanong ng mga loyal fans ng aktor kung kailan siya  babalik  sa GMA. Wish nila na magkaroon ng comeback project sila ni Kris Bernal. Tutal naman daw, kung kani-kanino na ipina-partner si Kris tulad ni Elmo Magalona sa Magpakailanman at Rodjun Cruz sa opening ng Sunday All Stars.

At least, wala pang bumibitaw sa loveteam nina Aljur at Kris. Full support pa rin ang fans ni Aljur kay Kris lalo na’t nahihilig ito sa pole dancing.

Hiling lang nila na mabigyan ng chance si Aljur ng Kapuso Network na sincere naman daw sa pag-amin ng kanyang pagkakamali at nagpadala lang sa buyo ng iba.

 

 

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ELMO MAGALONA

FANS

KAPUSO NETWORK

KOKOI

KRIS BERNAL

POP PRINCESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with