Tom hindi pa rin tapos ang pamamahinga!
Wala pa ngang bagong pinagbibidahan na teleserye si Tom Rodriguez pagkatapos magwakas ng My Destiny noong nakaraang taon.
Sabay ding natapos ang game show na kanyang hinu-host sa GMA-7 na Don’t Lose the Money.
Tila nagpahinga muna ang aktor dahil sa magkakasunod na trabaho na naging dahilan kung bakit naospital siya at tumaas ang blood pressure.
Pero noong nakaraang December ay napanood naman si Tom sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na The Amazing Praybeyt Benjamin na naging number one top-grosser.
Gumanap bilang kontrabida ni Vice Ganda si Tom sa naturang pelikula na kumita ng higit kumulang na P440-M sa box-office.
Ikinatuwa ni Tom ang success ng The Amazing Praybeyt Benjamin at nagpasalamat ang aktor na naging bahagi siya nito dahil ito na ang ikalawang highest-grossing film of all time ng Philippine Cinema.
“Thankful ako dahil naging part ako ng cast at naging kontrabida pa ako ni Vice Ganda. Actually ito ang second movie ko with Vice Ganda. Una kong ko siyang nakasama sa first starring role niya na Petrang Kabayo,” ngiti ni Tom.
Ngayong Sabado ay balik-trabaho na si Tom pagkatapos ng mahabang bakasyon. Isa siya sa guest ng Celebrity Bluff.
Makikipaglokohan siya kasama sina Jose Manalo, Boobay, at host ng Celebrity Bluff na si Eugene Domingo.
Julian nagparaya na kina Miguel at Bianca
Gaano katotoo na kusang lumayo na lang si Julian Trono sa kanyang girlfriend na si Bianca Umali?
Ito ang bulung-bulungan ng ilang mga fans dahil balitang unti-unting nahuhulog na raw ang loob ni Bianca sa Once Upon a Kiss leading man niyang si Miguel Tanfelix.
Noon pa raw may lihim na relasyon sila Julian at Bianca, panahon pa raw ng Tropang Potchi ay nagkaroon na sila ng pagtitinginan sa isa’t isa.
Pero ngayon ay mukhang malabo na ang dalawa dahil hindi na sila madalas nagkakausap. Busy kasi si Bianca sa kanilang tambalan ni Miguel at tila nagparaya na itong si Julian.
Nagkasama ang tatlo sa teleseryeng Niño noong nakaraang taon.
Mabuti na lang at nag-concentrate si Julian sa kanyang pagsayaw at pag-awit kaya naman pinapirma siya ng kontrata sa JU Entertainment and Music Contents, Inc.
Nag-training si Julian sa voice and dance sa ilalim ng mga Korean instructors. Korean Pop (K-Pop) System at siya ang kauna-unahang Pinoy na naka-experience nito.
Nai-record na ni Julian ang kanyang first single at sinu-shoot na ang kanyang music video kung saan kasama niya ang isang sikat na Korean rapper.
“I can say na iba ‘yung quality at efforts na binibigay nila sa mga proyektong ginagawa nila kaya naiintindihan ko na why a lot of Pinoy fans are into K-Pop. Na-enjoy ko na rin siya talaga,” pagtatapos pa ni Julian Trono.
Jennifer Aniston nilabanan ang sakit na dyslexia
Marami ngang revelation na isiniwalat si Jennifer Aniston sa kanyang interview sa Hollywood Reporter Magazine. Kabilang na rito ay ang pagpapatawad niya sa kanyang ex-husband na si Brad Pitt at ang pagtanggap niya sa naging sakit niyang dyslexia.
Mula sa 45-year-old Hollywood star, matagal na raw niyang pinatawad ang kanyang dating mister. Ikinasal si Jen kay Brad noong 2000 at nag-divorce sila noong 2005.
“We’re not in daily communication. But we wish nothing but wonderful things for each other. Nobody did anything wrong. You know what I mean?
“It was just like, sometimes things happen. If the world only could just stop with the stupid, soap-opera bulls--t. There’s no story. I mean, at this point it’s starting to become—please, give more credit to these human beings.
“I always thought, if you’re angry you just don’t say anything. I would come out passive. Things would come out passively. But it doesn’t have to be black or white.
“You don’t have to be a hysterical human being and have veins popping out of your neck and turn bright red and terrify people—or else keep quiet and put your head in the sand.
“I used to loathe confrontation. Loathe it. It was absolute. I understood anger, but I didn’t know that you should express it. Which has been something that I’ve really tried to work on.”
Inamin din ni Jen na nagkaroon siya ng reading disorder na kung tawagin ay dyslexia. Noong kanyang early 20’s ay pinagsikapan niyang malabanan ang sakit na ito.
“The only reason I knew that I had it was because I went to get a prescription for glasses. I had to wear these Buddy Holly glasses. One had a blue lens and one had a red lens.
“And I had to read? a paragraph, and they gave me a quiz, gave me 10 questions based on what I’d just read, and I think I got three right.
“Then they put a computer on my eyes, showing where my eyes went when I read. My eyes would jump four words and go back two words, and I also had a little bit of a lazy eye, like a crossed eye, which they always have to correct in photos.
“I thought I wasn’t smart. I just couldn’t retain anything. Now I had this great discovery. I felt like all of my childhood trauma-dies, tragedies, dramas were explained,” pagtatapos pa ni Jennifer Aniston.
- Latest