^

Pang Movies

Lumang bahay parerentahan na lang Alden nakabili na ng 5-bedroom na bahay sa Nuvali

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Lilipad patungong Amsterdam si Alden Richards kasama ang Superstar Nora Aunor para um-attend sa Rotterdam International Film Festival.

Naimbitahan kasi ang short film na ginawa nila titled Kinabukasan na idinirek ni Adolf Alix, Jr.

Sa January 24 nga ang alis ng grupo nila Alden at isang linggo sila roon.

“Excited na po akong mag-selfie-selfie sa Amsterdam!” masayang balita pa niya.

“I am thankful na naimbitahan ang Kinabukasan at dasal naming lahat na ma-receive ito ng maganda tulad sa pag-receive nito sa Vietnam last year.

“One week lang kami roon and enough time na iyon for sight-seeing. Balik namin ay sa February 2.”

Marami ngang inaasikaso si Alden ngayon tulad na lang ng bago niyang biling bahay na malapit sa Tagaytay.

“Sa may Nuvali po ako nakabili ng bahay at malapit na malapit na siya sa Tagaytay.

“It has five bedrooms at malaki ang kinatatayuan niyang lote. Balak kong magpagawa ng magandang garden para sa lola ko.

“Nakakatuwa nga dahil nag-effort talaga kami ng agent para makahanap kami ng magandang bahay na hindi masyadong kamahalan pero nasa safe na lugar. Nagkataon na may nakita kami at maayos naming napagkasunduan ang presyo,” ngiti pa ni Alden.

‘Yung dating bahay nga nila Alden sa Sta. Rosa, Laguna ay plano niyang ipa-renovate at paupahan na lang.

“Kahit na luma na ang house namin doon, may sentimental value sa amin iyon. Doon po kasi ako lumaki talaga at nakakalungkot naman kung bibitawan namin.

“Kaya plano ko pong ayusin lahat ng mga kailangan, ipa-renovate at pa-rent na lang namin.”

Maganda ang pasok ng 2015 para kay Alden dahil nagkaroon siya ng bagong endorsement. Isa nga siya sa bagong celebrity endorsers ng Boardwalk at siya ang nasa cover ng 2015 catalog nito.

Wala pa ngang bagong TV show si Alden after na magkasunod na matapos ang Bet Ng Bayan at Ilustrado.

“In the works na raw po ang mga susunod kong gagawin. Dasal ko po na mas maraming project this year at makagawa pa ako ng mas maraming charity work,” pagtatapos pa ni Alden Richards.

Naalala ang nakaraan Tom ayaw nang umalis ng ‘Pinas

Mukha ngang wala nang balak ang former child actor na si Tom Taus na bumalik pa ng Amerika dahil may sarili siyang show sa TV5 titled Move It: Clash of Streetdancers kung saan kasama niya si Jasmine Curtis-Smith.

Bagay kay Tom ang show na ito dahil malawak ang experience niya sa pagiging isang streetdancer.

May sariling dance crew si Tom noon sa Los Angeles at madalas silang sumayaw ng hip-hop group niya sa mga party.

“That was my hip-hop days when I was a teen. Never naman kaming sumali ng mga dance contests. We just danced for the fun of it. Who knew that one day I would be hosting a dance competition show about streetdancing here in the Philippines?” diin pa niya.

Inamin nga ni Tom na after 15 years na nawala siya sa Pilipinas, hindi pa rin nawala ang pagmamahal niya rito dahil dito siya ipinanganak at lumaki.

“I came back together with my sister (Antoinette Taus) because TV5 International made a documentary of us coming back to the Philippines. The docu was shown in the US, Canada, and UAE.

“Sa sobrang enjoy ko rito sa Pilipinas, nagpa-extend ako nang nagpa-extend ng stay. Until pinapirma na kami ni Ate Toni ng contract with Viva and we’ve been doing guestings in different TV networks.

“I am also deejaying in different places in the country. Whenever there’s a club opening, a fiesta or a company party, I love hosting ang deejaying. Iba ang energy ng mga Pinoy talaga,” ngiti pa ni Tom.

Nakakagulat nga na 28 years old na si Tom at tandang-tanda pa namin ang times na kinakandong namin ito noong child star pa ito sa Ang TV at sa ilang mga pelikula ng Regal Films.

Nilisan ni Tom ang bansa sa edad sa 13 dahil kinailangan na nila ni Toni na manirahan na sa US. Hindi inasahan ni Tom na bigla na lang siyang makakabalik sa Pilipinas ulit.

“It’s so nice seeing familiar faces again. Kilala ko pa rin ang mga reporter na nag-interview sa akin noong panahon ng movie kong Cedie.

Zooey Deschanel ng New Girl nabuntis ng BF!

Buntis na ang Hollywood actress and funny girl na si Zooey Deschanel.

Kinumpirma ng bida ng hit TV series na New Girl na nagdadalang-tao na siya sa unang baby nila ng kanyang boyfriend na si Jacob Pechenik.

“Jacob and I are over the moon. We are so excited to meet our little one,” sey pa ni Zooey sa kanyang interview sa People magazine.

Nataon din na buntis ang actress-sister niyang si Emily Deschanel. Kaya naman magkakaroon na ng instant playdate ang kanilang mga anak.

vuukle comment

ADOLF ALIX

ALDEN

ALDEN RICHARDS

NEW GIRL

PILIPINAS

TOM

ZOOEY DESCHANEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with