^

Pang Movies

Janella relate na relate sa pagiging walang tatay!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Relate na relate ang 16-year old na si Janella Salvador sa role niya as Sophie sa launching teleserye niya na Oh My G! sa ABS-CBN, kapalit ng dati niyang morning drama series na Be Careful With My Heart. Inamin ni Janella sa press launch na may pressure sa kanya ang bago niyang soap dahil may pagka-inspirational ito at malaki ang dapat niyang gawin para magustuhan ng mga viewers especially ng teens like her na mas may time sa school, sa pamilya, at lalo na sa social media.

“Ayaw ko rin pong sirain ang pagtitiwalang ibinigay sa akin ni Ma’am Charo Santos-Concio at ng mga Carmelite Nuns na nag-request sa kanya para gawin ang proyektong ito para sa nalalapit na ika-500 na kaarawan ni Saint Teresa de Avila sa March,” kuwento pa ni Janella.  “Kaya ako on my part, sisikapin ko namang magawa nang tama ang bawat eksenang ibibigay sa akin ni Direk Roni Velasco.”

Sa story, isang masayang teenager si Sophie pero dumating ang trahedya sa buhay niya nang sabay namatay ang parents niya (played by Eric Quizon and Maricar Reyes) at naiwanan siyang ulila. Sa tunay na buhay, lumaking walang ama si Janella dahil hindi na niya nakita ang amang si Juan Miguel Salvador at lumaki siya sa pangangalaga ng mommy niyang si Janine Desiderio.  Lalaki si Sophie sa pangangalaga ng members ng family niya tulad nina Sunshine Cruz, Dominic Ochoa, John Arcilla, Edgar Allan Guzman, at Janice de Belen. Love triangle naman sila nina Marlo Mortel na matagal na niyang nakasama sa Be Careful With My Heart at new actor na si Manolo Pedrosa, from Pinoy Big Brother (PBB).

Magsisimula nang mapanood ang Oh My G! sa Lunes, January 19, after ng The Singing Bee at bago ang It’s Showtime.

Rafael laging iniiwan ng girlfriend!

Nilinaw ni Rafael Rosell na sila pa rin ng model-girlfriend niyang si Olivia Medina at hindi totoong nag-break na sila. Since wala siyang taping ng new primetime soap nilang Second Chances, nagkaroon siya ng chance na makapagbakasyon at kasama niya at ng kanyang family si Olivia noong Christmas sa isang magandang island sa Cebu. Doon na rin daw sila nagpaabot ng New Year at napakagandang tanawin mula sa roof deck ng tinirahan nilang condominium unit ang full view ng Cebu. Iyon nga lamang, dahil sa work ni Olivia, madalas na out of the country ang girlfriend na tulad na lang this March, pupunta at magtatagal ito sa China.

Right now, busy na si Rafael sa taping ng Second Chances na biniro namin kung kailan siya mabibigyan ng pagkakataon ni Lyra (Jennylyn Mercado) na mahalin ito? Sa una niyang pagtatangkang ligawan si Lyra ang best friend niyang si Albert (Luis Alandy) ang pinili nitong mapangasawa.  Nang mamatay si Albert, ang muli namang minahal ni Lyra ay si Bernard (Raymart Santiago).

“Iyon nga ang tanong ko sa character ko bilang si Jerome, kung kailan ko naman makakamtam ang pag-ibig ni Lyra na matagal ko nang inaasam,” natatawang wika ni Rafael. 

Mapapanood ito gabi-gabi, after ng Once Upon a Kiss, directed by Laurice Guillen.

BE CAREFUL WITH MY HEART

CARMELITE NUNS

CEBU

JANELLA

NIYANG

OH MY G

RAFAEL

SECOND CHANCES

SOPHIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with