Umaming crush ang isa’t isa Nash at Alexa parang naglalaro lang daw sa mga eksenang kilig-kiligan
Dahil sa success ng teleserye nina Nash Aguas and Alexa Ilacad na Bagito, nagpa-thanksgiving presscon ang Dreamscape Entertainment last Friday na dinaluhan ng magka-loveteam at ang isa pang nagbabalik sa seryeng si Ella Cruz.
Ayon sa tatlo, hindi nila inaasahan na ganito kaganda ang magiging pagtanggap ng mga tao sa show, since medyo maselan nga ang istorya nito na tumatalakay sa teenage pregnancy and parenthood.
At para kay Nash, mas doble ang saya niya dahil una, natupad ang pangarap niyang magkaroon ng sariling teleserye and second, nag-hit pa. Kaya naman say niya, ibang level ng happiness talaga ang nararamdaman niya.
Aminado rin sina Nash and Alexa na nakatulong ang pagkakaroon nila ng crush sa isa’t isa sa mga eksena nila together lalo na ‘yung kilig scenes.
“Siguro kasi, dahil nga magkaibigan na kami dati and sobrang close kami ngayon, so parang nakakatulong kasi, in the sense po na walang ilangan,” pahayag ni Nash.
Pero hanggang crush pa lang naman daw sila ngayon at hindi pa puwedeng magkaroon ng relasyon dahil napakabata pa nila (Alexa is 14 and Nash is 16).
Sa kuwento ay ginagampanan ni Nash ang papel na batang ama at ang nakakabilib, talagang nagagampanan niya ito nang buong husay considering na hindi pa naman niya nararanasan ang maging ama.
When asked kung saan ba siya humuhugot ng kanyang mahusay na pag-arte, ayon kay Nash, nadadala raw siya kasi talaga sa karakter niya.
“Nung una po kasi, nung mga first few days ng taping namin, medyo naninibago po ako du’n sa karakter ni Drew. Pero eventually po habang tumatagal na ginagawa ko ‘yung karakter niya, parang maski ako nadadala tapos minsan, napi-feel ko na talaga kung ano ang dapat ma-feel niya, parang nai-internalize ko talaga po, isinasabuhay ko talaga is Drew.
“Minsan, hindi naman kailangang umiyak pero kapag talagang masakit na du’n sa damdamin ni Drew, naiiyak na lang akong kusa. So, parang matindi lang siguro ang imagination ko,” say ni Nash.
Pero in real life siyempre ay hindi naman daw niya gustong mangyari sa kanya ang kanyang karakter dahil marami pa raw siyang gustong gawin sa buhay.
Parang hindi artista ang bibig, Angelica Panganiban wagas na wagas ang pagmumura sa Best Actress nila ni Nora
Hanggang ngayon ay walang tigil ang pag-congratulate kay Angelica Panganiban ng kanyang friends at mga followers sa kanyang Instagram (IG) account para sa pagkaka-tie nila ni Nora Aunor ng Best Actress Award sa Gawad Tanglaw.
Nanalo si Angelica para sa indie film na That Thing Called Tadhana habang ang Superstar naman ay sa indie film din na Dementia.
Maging si Angelica ay hindi makapaniwala na naka-tie niya ang Superstar. Marami na ring acting awards ang aktres pero ang maka-tie si Guy ay ibang level para sa kanya. Sa mga post niya sa IG, talagang kitang-kita ang pagka-high niya sa kasiyahan.
“Kanina pa ko nag iisip ng ibang sasabihin. Pero “wow” lang talaga lumalabas. Tsaka “grabe”.... Direk @tonet_jadaone sikat na kooo!!!! Totoo ba to? Kasama ko na si ate Guy sa isang category!!!! Guys, manood naman kayo ng that thing called tadhana sa feb. 4 sige na..... Hehe...,” she posted.
Isa pang post niya, “Please disregard all the cursing. Nag pa-panic ako. Si Nora Aunor yun eh!!! Hindi sya nagsasalita sa mga eksena, kasi d kailangan!!! Kasi yung mata nya.... Madaming ibig sabihin!!! Si Ate Guy!!! Hala! Mababaliw ako! Ang buong akala ko talaga, nomination ang sinasabi sa text na yun... Hala grabe!!! Thank you ate guy! Masaya na ang buhay artista ko! Hay Lord! Salaaaamaaaaat!!!! Wala na ko masabi. Nalilito na ko. #NaiiyakTalagaKo.”
Sa Feb. 19 gaganapin ang awarding ceremony ng Gawad Tanglaw.
- Latest