^

Pang Movies

Lakas ng loob ang puhunan produ ng English Only... aminado, muntik hindi matapos ang pelikula

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Umakyat na sa ika-apat na puwesto ang Derek Ramsay at Jennylyn Mercado movie na English Only, Please sa walong entries ng Metro Manila Film Festival (MMFF). Nalampasan nito ang kinita ng Kubot: The Aswang Chronicles 2 na napunta sa ikalimang puwesto ayon sa report ng isang member ng MMFF Executive Committee.

Of course, ang mga nangunguna pa ring movies ay ang The Amazing Praybeyt Benjamin, Feng Shui 2, at My Big Bossing although walang gross receipts na inilabas after New Year’s day. Basta umabot na raw sa mahigit P700-M ang kinita ng festival na magtatapos sa January 7.

Umaapaw nga ang pasasalamat ni Atty. Joji Alonso, producer ng movie sa pagtaas ng kita ng English Only, Please. Itong taon ang isang dekada niya bilang movie producer at matapos sumosyo sa dalawang festival movies kung saan umuwi siyang luhaan, all-smiles siya ngayon sa resulta ng pelikula nina Derek at Jennylyn.

Ibinahagi nga ni Atty. Joji ang hirap na pinag­daanan bago matapos ang pelikula. Palibhasa walang network na sumusuporta sa project, naging problema sa kanya ang pagkakaroon ng maraming TV spots. Nang kausapin niya ang managers ng da­lawang lead at sinabi ang magiging scenario sa promotions ng movie, ang naging pahayag nila ay, “Ang lakas ng loob mo! Kakatayin ka ng ibang pelikula for sure!”

Eh, risk taker ang lawyer-producer kaya ginawa ang plano niya para sa promotions ng movie. Nang gumawa sila ng ten-secon­der na teaser, nagulat silang lahat nang umani ito ng 2.5 million views sa social media, huh!

Ayon pa kay Atty. Joji, wala na talaga siyang plano na sumali ngayong MMFF dahil sa malungkot na experiences niya sa sinos­yohan na entries. Dahil sa pangungulit sa kanya ng writer-director na si Antoinette Jadaone na bigyan ng break ang boyfriend na director na si Dan Villegas, na ang tanging movie debut ay Mayohan, sumang-ayon ang lawyer-producer sa request ni Antoinette pero sa kundisyong limitado lang ang budget.

Kahit walang naging problema sa shooting, hindi pa rin nawala ang mara­ming pagsubok kay Atty. Dumating siya sa puntong gusto nang sumuko pero nanaig pa rin sa kanya ang pagiging matatag dahil ayaw niyang ma-disappoint ang mga taong tinutulu­ngan!

Nu’ng Gabi ng Parangal, walang expectations ng grupo ng English Only, Please. Masaya na sila kung maiuwi ang Best Float Award. Pero biniyayaan sila ng Diyos at pitong awards ang kanilang na-take home!

‘Yun nga lang, dahil sa maraming awards, nakatanggap pa sila ng intriga na nagbayad daw dila ng jury upang manalo! Sa halip na magalit, natawa na lang ang lahat ng involved sa movie dahil lingid sa kaalaman ng mga taong ito, muntik na silang hindi ma­kapagpagawa ng float dahil sa kakulangan ng pera, huh!

Kaya naman nang makarating kay Atty. Joji na nasa ikaapat na puwesto na ang pelikula, wala siyang masabi kundi ang pasasalamat sa lahat na naging bahagi ng pelikula gaya ng mga artista, staff and crew, press and bloggers, sponsors, Robie Tan, social media friends at Armando Lao.

Sa huling bahagi ng pasasalamat ni Atty. Joji, “English Only, Please may not be the best among the lot, more so, not the most expensive entry to the MMFF, but I dare say it has the biggest heart. To God be the glory!”

Matteo at Sarah palalim na ang relasyon

Matapos mag-pose ng selfie picture sa Instagram (IG) ang lovers na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, aba, naging viral na ito sa social media, huh!

Nitong New Year nagsama sina Sarah at Matteo (galing ng bakasyon sa Cebu ang aktor) at dahil nga private na private ang kanilang relasyon, nasabik ang kanilang mga tagahanga na makita silang magkasama sa social media!

Sampol pa lang ang post na selfie pic ni Matteo, huh! Ano pa kaya kung madalas gawin ito ng aktor? Marami kasi ang naintriga sa caption ni Matteo na 2015 here we come!

Does that mean na patungo na sa mas malalim na relasyon ang kahihinatnan ng relasyong Sarah-Matteo?

vuukle comment

AMAZING PRAYBEYT BENJAMIN

ANTOINETTE JADAONE

ARMANDO LAO

ASWANG CHRONICLES

BEST FLOAT AWARD

DAHIL

ENGLISH ONLY

JOJI

MATTEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with