^

Pang Movies

ER puno ng hinanakit ang acceptance speech

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Naging malaking tagumpay ang idinaos na 2nd Gintong Palad Awards Night ng The Movie Writers Welfare Foundation (MWWF) at Rotary Club of Intramuros. Napuno ang venue sa Ilustrado, Intramuros at nagkagulo ang mga tao nang dumating sina Angel Locsin at Robin Padilla. Humabol si Gov. ER Ejercito para personal na tanggapin ang award.

Puno ng hinanakit ang kanyang acceptance speech dahil sa naging desisyon ng Supreme Court na hindi katigan ang kanyang muling panunungkulan bilang gobernador ng Laguna. Ang nagpapagaan lang ng loob nito ay ang mga taong naniniwala sa kanya.

Mensahe ni Boots nakatataba ng puso

Dumalo rin si Boots Anson Roa bilang awardee sa Gintong Palad Service Awards. Nakatataba ng puso ang kanyang sinabi na mahalaga ang ganitong klase ng award dahil pinahahalagahan ang pagiging matulungin sa kapwa ng mga artista.

Kahit hirap na ang inyong lingkod sa pagpapatakbo ng foundation, may mga taong nagbibigay pa rin ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang magandang adhikaing ito.

Minuscule dalawang tulog na lang

Nagpa-preview ng Minuscule: Valley of the Lost Ants ang Solar Pictures noong Sabado at inimbita ang mga bata thru The French Embassy. Puno ng bata ang sinehan na aliw na aliw sa palabas kahit walang dialogue at puro sound lang ang maririnig.

Palabas na ito sa December 3 mula sa Solar Pictures.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BOOTS ANSON ROA

FRENCH EMBASSY

GINTONG PALAD AWARDS NIGHT

GINTONG PALAD SERVICE AWARDS

MOVIE WRITERS WELFARE FOUNDATION

PUNO

ROBIN PADILLA

ROTARY CLUB OF INTRAMUROS

SOLAR PICTURES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with