^

Pang Movies

Nora wala pa ring natatanggap na TV offer

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines -  October 29, 2014 pa nagtapos ang kontrata ni Nora Aunor sa TV5. Hindi na ito ni-renew ng Singko. Wala ring balita kung may offer ang Channel 2 at Channel 7 sa kanya.  Kaya naman kaliwa’t kanan ang tanggap ng Superstar (dati) ng mga indie film kahit short films lang ito gaya ng Kinabukasan ni Direk Adolf Alex, Jr. kung saan makakasama niya sina Rosanna Roces at Alden Richards.  Palabas ito ngayon sa Cinema 1 Originals Films Festival.

May balita naman na kukunin daw ng Maalala Mo Kaya si Ate Guy at Magpakailanman sa isang special presentation nito.

Juday at Claudine mag-aala Nora at Vilma sa pelikula

Gusto na ni Judy Ann Santos-Agoncillo na magka-baby ulit. Malaki na kasi si Lucho at gusto naman niyang masundan itong muli. Payag naman ang mister niya sa gusto ni Juday.  Sabi ni Ryan Agoncillo  :  “The more, the merrier!”

Tungkol sa sinabi naman ni Claudine Barretto na gusto niyang maka­trabaho sa isang pelikula o teleserye si Juday, okey naman, sabi nito.  Sabi ni Claudine  :  “Kahit parang Nora-Vilma kami noon, sa totoo lang, kami ni Juday, we are the best of friends. Nagkataon na pareho din kaming may dalawang anak.  So far, magkasundo naman ang mga anak namin.”

LIBRO ni Boy Abunda mabenta

Mabenta  ang librong Make Your Nanay Proud ni Kuya Boy Abunda.  Hindi lang istorya ni Kuya Boy at nanay niya ang narito kundi istorya rin ito ng iba’t ibang celebrities na mahal ang kanilang ina.

Para kay Kuya Boy kasi, mahalaga ang pagmamahal ng isang anak sa kanyang ina bukod sa pagbibigay sa kanila ng dignidad at tiwala.

Ilan sa nakatawag pansin sa amin ang istorya nina Heart Evangelista at nanay niya at ang kina Sen. Miriam Santiago at ina rin siya.                                               

 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ATE GUY

BOY ABUNDA

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DIREK ADOLF ALEX

JUDAY

KUYA BOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with