Imelda Papin at mga kapatid hahataw sa concert para pang-donate sa dialysis center
MANILA, Philippines - Magtatanghal mamayang 8 ng gabi sa Music Museum ang international singer at entertainment icon na si Imelda Papin kasama ang kanyang mga kapatid na sina Gloria Belen at Aileen Papin. Si Gloria ay isa ring recording Artist na original singer ng Isang Linggong Pag-ibig, concert producer at singer sa Estados Unidos, samantalang ang pinakabatang kapatid na si Aileen ay nag-record ng isang inspirational album at pinarangalan kamakailan lang bilang Most Promising Asian Performer ng Media Power Group.
Ang kakaibang palabas at kauna-unahan ng magkakapatid ay kabibilangan ng Top 40 Hits, awiting Broadway at mga kantang pinasikat ni Imelda at kinagiliwan ng madla. Siguradong ang palabas ay hitik sa musika, kasiyahan, at katuwaan kasama ang mga panauhing dating senador Joey Lina, BMG recording artist/composer/vocal coach at Aliw nominee for vocal arrangement na si Garry Cruz, ang nakaaaliw na Jackstone Brothers at ang nakabibilib na Madrigal Siblings na nanalo ng 2009 Junior Champion Group Vocalist sa World Championship of the Performing Arts (WCOPA) na ginanap sa Los Angeles, California.
Ang produksiyon ay handog ng I.A.P. Foundation at C.A.R.E. (Child Assistance for Responsible Education). Ang co-producer ay si Imelda “Aida” Dela Cruz samantalang ang choreographer ay si Lyn Tamayo at mula sa direksiyon ni Bobby Papin at Technical Director na si Pat Reyes.
Ang fundraising concert ay para sa kapakanan ng C.A.R.E. at free dialysis treatment para sa mga mahihirap na pasyente ng Eminence Homecare Dialysis Center sa San Lazaro at QCGH Hospital.
Sa mga katanungan tungkol sa tiket, tawagan ang 904-6212, 0915-6608627 at 0922-8143063.
Ang mga sponsors ay 618 International Entertainment and Records, Western Union, Karaoke Republic, Renalpro Innovative Corp., Red Coconut Hotel and Resort Boracay, Power Mango, Salon de Orient, Broadway, Opti Clear at Eman Bass Photography.
- Latest