^

Pang Movies

Anak nina Dennis at Carlene naaksidente habang sakay ng school bus

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Napanood kahapon ni Carlene Aguilar ang CCTV footage ng banggaan ng dalawang school service na nangyari sa Barangay Lourdes, Quezon City.

Nakita ni Carlene sa CCTV footage ang tunay na salarin sa salpukan na ikinasugat ng mga ino­senteng bata na sakay ng school service bus.

Inilagay ni Carlene sa kanyang Instagram ang picture ng injuries ni Calix at ang CCTV footage ng bungguan ng mga school bus.

Nagpapasalamat sa Diyos sina Carlene at Dennis Trillo dahil ligtas na sa tiyak na kapahamakan ang kanilang anak na si Calix na kabilang sa mga pasahero.

“Buti na lang at gasgas at bukol lang sa ulo meron ang anak ko.. Sana lang talaga, managot ang mga dapat managot at dapat hindi mabilis magpatakbo ang mga school bus driver dahil may mga pasahero silang mga bata.

“Thank you Lord, safe anak ko pero I’m still praying sa mga batang lubhang nasugatan sa aksidenteng ito,” ang pahayag ni Carlene na nanlumo sa naranasan ng anak nila ni Dennis.

Dapat panagutin ang driver na parang hinahabol ng pitong demonyo ang pagmamaneho. Hindi man lamang niya inisip na mga bata ang kanyang pasahero at kahit mga matatanda ang kanyang sakay, dapat naging maingat ang driver na nararapat na parusahan para matuto ng leksyon.

Tiyak na na-trauma si Calix at ang ibang mga bagets na pasahero ng nagbanggaan na mga school bus.

Hindi ako magtataka kung sakaling tumanggi na ang mga bata na sumakay sa school service bus.

Kung ako man ang magulang ng mga bata na pasahero, hindi ko na ipagkakatiwala sa mga school service bus driver ang buhay ng anak ko.

Hindi puwedeng araw-araw na lang na kakabahan sina Carlene at Dennis sa tuwing sumasakay sa school service bus ang kanilang anak.

(Oo nga po. Bakit ‘di bigyan ng kotse at dri­ver ni Dennis? Dami naman niyang trabaho. Magkakaroon pa sila ng peace of mind. – SVA)

Martin hindi na-miss, Matteo gustung-gusto ng moviegoers

Pare-pareho ang opinyon ng mga dumalo sa premiere night ng Moron 5.2 The Transformation noong Lunes.

Ang sabi ng mga nanood,  nangangamoy blockbuster ang sequel ng Moron 5 dahil mas nakakatawa ito kumpara sa original version.

Pinilahan noon sa takilya ang unang Moron 5 at mauulit daw ito sa Moron 5.2 The Transformation na ngayon ang opening day sa mga sinehan.

Si Matteo Guidicelli ang ipinalit kay Martin Escudero sa sequel. Malulungkot si Martin kapag nalaman nito na hindi na-miss ang absence niya sa Moron 5.2 dahil gustong-gusto ng moviegoers si Matteo.

Teka, nasaan na nga pala si Martin? Hindi na siya nararamdaman mula nang layasan niya ang kanyang manager na si Popoy Caritativo.

Gladys INC church ang unang hinahanap pag nasa abroad

Si Carmi Martin ang kasama ni Gladys Reyes nang magbakas­yon ito sa South Korea.

Best of friends ang dalawa kaya komportableng-komportable sila sa isa’t isa. Maraming taon na ang ibinibilang ng friendship nina Gladys at Carmi.

Bilib ako kay Gladys dahil nagawa pa niya na magsimba sa Iglesia ni Cristo sa South Korea.

Talagang hinanap ni Gladys ang simbahan ng INC para sumamba. Faithful member si Gladys at maipagmamalaki talaga siya ng kanilang relihiyon dahil kahit saan magpunta, ang simbahan ng INC ang kanyang unang hinahanap at pinupuntahan.

Arnold hindi nagbago ang ugali ayon sa mga kaibigan

Pumatak ng Linggo ang birthday ni Arnold Clavio noong November 2 kaya kahapon lamang natupad ang kanyang birthday treat sa kanyang favorite restaurant, somewhere in Timog, Quezon City.

Wala akong plano na lumabas ng bahay pero hindi ko napahindian ang imbitasyon kahapon ni Igan dahil people that matter lang ang invited guests niya.

In fairness, hindi nagbago ang ugali ni Arnold at ito ang ipinagmamalaki ng kanyang mga kaibigan. Down-to-earth pa rin daw si Igan  kahit isa na siya sa mga respected broadcast journalist.

vuukle comment

ARNOLD CLAVIO

CARLENE

GLADYS

KANYANG

QUEZON CITY

SCHOOL

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with