Aktor na kilalang mabait at tahimik, nagwala sa awards night nang malasing!
Alam kaya ng character actor ang nakakalokang ginawa niya sa katatapos lang na Star Awards for Movies?
Palibhasa nga kasi ay may pa-unlimited wine ng gabing ‘yun sa event, hindi yata niya nakontrol ang sarili ng veteran actor at masyadong nag-enjoy sa pag-inom hanggang sa malasing.
Nang malasing ang character actor ay kung anu-ano na ang ginawa niya habang ongoing ang awards night. Panay ang sigaw niya sa mga artistang nasa stage at kung anu-ano ang sinasabi.
In fairness, wala namang foul o below the belt na isinisigaw ang character actor kundi mga funny remarks lang naman. But just the same, sobrang nakaka-distract siya sa ongoing event at feeling niya yata ay nasa isang music bar or nightclub siya.
Pati ang host na si Gladys Reyes ay mukhang na-bother na rin at tanong niya sa lasing na sumisigaw, “ano ba ang problema mo?” Pabiro naman ang tanong ng aktres at tumatawa siya pero obvious na naloloka na rin siya.
Nang manalo si Baron Geisler bilang Movie Actor of the Year for Doll House ay nilapitan siya ng character actor at sinabing “Baron walang Diyos. Diyosa meron. (3x inulit) ‘Yung asawa mo ang Diyosa!”
Dahil alam ni Baron na lasing na ang character actor ay dinedma na lang niya ito at hindi na pinatulan.
Dumalo ang character actor sa awards night dahil isa siya sa nominado sa isang kategorya.
Marami ang nabastusan sa ginawa ng aktor lalo pa nga’t nasa isang formal event siya’t isa pa naman sa nominado.
Good thing, walang pumatol sa kanya dahil kung hindi, baka nagkaroon pa ng gulo.
In fairness, kilala naman naming mabait at tahimik itong aktor na ito kaya ngayong nahimasmasan na siya ay baka nahihiya rin siya sa kanyang nagawa.
Moral lesson of the story, next time, ‘wag magpapakalasing kung hindi kaya ang sarili.
Gerald, ayaw makisawsaw sa mag-amang Julia at Dennis!
Na-hot seat nang bonggang-bongga si Gerald Anderson nang mag-guest siya kamakailan sa The Men’s Room ng One News PH hosted by Janno Gibbs and Stanley Chi.
Ang dami kasing tinanong ng dalawang hosts kay Gerald tungkol sa mga isyung kinasangkutan niya and in fairness, sinagot namang lahat ng aktor.
Natanong din ang aktor kung ina-unfriend or ina-unfollow ba niya sa social media ang kanyang mga ex-girlfriends.
“No, never. Ina-unfollow ako pero never ako. Siyempre naman, kumbaga, bago naghiwalay man, I used to cherish those moments na masaya kayo. ‘Yun ‘yung perspective ko diyan,” sey ni Gerald.
Hindi rin daw siya nagde-delete ng pictures nila ng kanyang ex sa Instagram.
“Kahit i-check n’yo,” sambit ng aktor.
Diretso ring tinanong ni Janno si Gerald kung tinawagan ba siya ni Dennis Padilla na ama ng kanyang GF na si Julia Barretto.
“Oo before,” sagot naman ni Gerald.
Of course, aware naman ang aktor sa problema ng pamilya ni Julia at ni Dennis at sey niya, mahirap naman daw makisali rito.
“Ako naman, ano lang ako, eh, outside ano ako. But I support both sides, of course, kasi pamilya ‘yan.
“But again, hindi tayo pwedeng makisali diyan,” pahayag ni Gerald.
Sinabi rin ng aktor na umaasa siya na maaayos din kung anuman ang problema ni Dennis sa mga anak.
“Ako, I’m just hoping because ako naman, galing din ako sa… I mean, hindi naman sobrang broken family, pero lahat ng pamilya, may problema, eh.
“So, as much as possible, because siyempre, kung baga, nakikita ko naman dahil part naman ako sa ano, you just pray and hope na maaayos ‘yan behind the scenes. Because alam natin ‘yung pakiramdam, eh. Na kapag nasa harap ng camera. . .” saad ni Gerald.
Dagdag pa niya, “so, ‘yun ‘yung pinagdadasal natin lagi and. . . ‘yun! Pero darating din ‘yon.”
- Latest