^

Pang Movies

Pag-aartista muna ang aasikasuhin Iñigo hanggang home school online na lang

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Inamin ni Iñigo Pascual na hindi niya tinupad ang pangako niya sa amang si Piolo Pascual na uunahin muna niyang matapos ang studies niya bago tuluyang pasukin ang showbiz. Bukod kasi sa malapit nang ipalabas na first movie niya, ang Relaks, It’s Just Pag-ibig, with Sofia Andres and Julian Estrada,  may ginagawa na siyang new movie under Viva Films naman, ang Para sa Hopeless Romantic na katambal niya si Julia Barretto.  Mabuti pumayag ang kanyang ama?

“Ito po namang Relaks, It’s Just Pag-ibig, last year ko pa ginawa, noong school vacation ko sa States,” sagot ni Iñigo. “Hindi ko rin in-expect ang offer ng Viva Films for a movie with Julia, pero tuloy po ang studies ko, I’m now on home school online.  Tuloy pa rin ang iba ko pang gagawin, like iyong pag-join sa isang boy band sa States, under negotiation pa, I really want to perform and sing.”

Inamin din ni Iñigo na may pressure sa kanya ang pagiging anak niya ni Piolo, pero very supportive naman daw ang daddy niya and motivates him ngayong tuluyan na siyang pumasok sa showbiz. Kaya nangako muli siya sa ama na he will do his best to prove himself at hindi mapahiya kay Piolo. Between him and his dad, more of a performer daw ang ama niya, siya naman more on music at magkaiba rin ang style nila sa pagkanta.

Kasama pa rin sa cast sina Smokey Manaloto, Earl Ignacio, Pia Magalona, at special guest si Alessandra de Rossi. Produced by Spring Pictures, ri-release ito ng Star Cinema simula sa November 12, in cinemas nationwide.

Aktres biglang bumait nang makasama ang dating na-link na aktor

Nagkabalikan kaya ang dating na-link noon na actor at actress?  Naging issue sila noong magkasama pa sila sa isang teleserye, pero nawala ang intriga nang tumigil muna sa pag-aartista ang actress.  Ngayon, nagbalik ang actress sa pag-arte pero napansin ng staff na hindi na siya iyong dating mabait, madalas daw mainitin ang ulo, wala naman silang reklamo dahil she delivers naman sa kanyang role.

But lately, napansin nilang bumalik na ang dating ugali ng actress, masaya na lagi sa set, dahil kaya kasama na rin niya sa soap ang da­ting na-link sa kanyang actor? Single naman ang actress, hindi lamang namin alam kung ano talaga ang status ng actor ngayon.

vuukle comment

EARL IGNACIO

HOPELESS ROMANTIC

INAMIN

JULIA BARRETTO

JUST PAG

NIYA

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with