^

Pang Movies

Iniugnay sa pagtiklop ni Papa Manny kay Marquez pagkatalo ni Donaire sa sixth round at 2:59, may sumpa raw

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Naawa ako sa hitsura ni Nonito Donaire, Jr. nang mapanood ko sa TV ang pagkatalo niya sa laban nila ng boxer na si Nicholas Walters.

Naranasan na ni Donaire na matalo sa kanyang mga nakaraan na boxing fight pero napuruhan siya nang husto ni Walters.

Bumagsak si Donaire sa 6th round ng laban nila ni Walters kaya umiral na naman ang pagi­ging mapamahiin ng mga Pilipino na nag-dialogue na may “sumpa” ang 6th round at ang clock time na 2:59.

Ginamit na basehan ng mga mapamahiin ang pagbagsak ni Manny Pacquiao sa laban nila noon ni Juan Manuel Marquez.

Na-remember nila na pinabagsak ni Juan Manuel Marquez si Papa Manny sa clock time na 2:59 ng 6ht round at naulit daw ito sa laban nina Walters at Donaire noong Sabado dahil natalo ang Filipino Flash sa 2:59 ng 6th round.

Naniniwala ako sa pamahiin pero depende sa sitwasyon. Sa kaso ni Donaire, naniniwala ako na nagkataon lang at hindi sumpa ang pagkatalo niya sa 2:59 clock time ng 6th round ng paghaharap nila ni Walters.

Natalo man si Donaire, ipinagmamalaki pa rin siya ng mga Pilipino.

Mas marami pa rin ang mga panalo niya sa boxing kesa mga talo.

Hindi mabubura ng isang defeat ang mara­ming karangalan na ibinigay ni Donaire sa Pilipinas. Bata pa siya at puwedeng-puwede na lumaban uli para mabawi ang boxing title na nawala.

Pralala ni Direk King Mark sa Ilustrado, huhusgahan na kung totoo nga

Mapapanood sa mas maaga na timeslot ang Hiram na Alaala ng GMA-7 simula ngayong gabi.

Natapos noong Biyernes ang My Destiny at ilalagay sa timeslot na nabakante nito ang Hiram na Alaala.

Kasunod ng teleserye nina Dennis Trillo, Lauren Young, Kris Bernal, at Rocco Nacino ang Ilustrado, ang bayaniserye nina Alden Richards, Solenn Heussaff, at Kylie Padilla.

Walang takot na sinabi ng Ilustrado director na si King Mark Baco na ang bayaniserye niya ang magbabago sa kasaysayan ng Philippine primetime. Malalaman natin ang katotohanan sa pralala ni King Mark sa pagsisimula ngayong gabi ng Ilustrado.

PBA fans naaliw kina Man-Kee

In fairness, nag-trending kahapon ang name ni Jinkee Pacquiao dahil siya ang muse ng Kia Sorento sa opening ceremonies ng PBA 2015.

Si Jinkee pa lang ‘yan ha? Isipin n’yo kung si Dionisia Pacquiao ang naging muse. Tiyak na nag-trending din ang pangalan niya at sangkatutak ang reaksyon ng madlang-bayan.

Iba’t iba ang mga komento tungkol sa pagiging muse ni Jinkee. May mga positive at negative comment pero nakahihigit ang mga pabor na feedback.

Ang kanyang mister na si Manny Pacquiao ang escort ni Jinkee sa PBA. Nakaisip at nakapag-imbento agad ang PBA ng fans ng pangalan para sa loveteam nina Papa Manny at Jinkee na tinawag nila na “Man-Kee”.

Dingdong excited nang makasama sa show si Marian sa Middle East

Ipinapaalaala ni Dingdong Dan­tes sa mga kababayan natin sa Middle East na tuloy na tuloy ang Kapusong Pinoy, ang show nila ni Marian Rivera sa Dubai.

Magaganap ang Kapusong Pinoy sa November 7 at makaka­sama ng royal couple sa show ang ibang mga Kapuso star.

 

DONAIRE

ILUSTRADO

JINKEE

JUAN MANUEL MARQUEZ

KAPUSONG PINOY

MIDDLE EAST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with