^

Pang Movies

Kylie hindi type si Alden

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Ang ganda ni Kylie Padilla sa presscon ng Ilustrado ng GMA Network, Bayani Serye sa TV. Tampok dito si Alden Richards bilang si Dr. Jose Rizal.

Nakausap namin si Kylie at inamin nitong excited siyang lumabas bilang si Leonor Rivera nang makapasa sa audition.

‘‘Kinabahan ako sa aking karakter bilang Leonor Rivera dahil boyish ako samantalang konserbatibo at mahinhing kumilos si Leonor Rivera. Kahit ang pagsasalita ay pinag-aralan ko ring mabuti.’’

Sinabi rin nito na mahalaga ang kanyang pagkilos bilang dalagang Pilipina.

Hindi kaya magkadebelopan kayo ni Alden?, tanong namin.

“Traumatized na po ako sa una kong pag-ibig. Feeling ko ay hindi ako ipinaglaban ni Aljur (Abrenica) kaya focus muna ako sa aking trabaho ngayon. Mabait si Alden pero career muna ang prioridad namin.’’

Nagte-text pa rin sa isa’t isa si Kylie at Aljur Abrenica bilang magkaibigan. Pero ngayon tumigil na ito dahil naramdaman siguro na wala na siyang aasahan pa sa aktres tungkol sa kanilang pagbabalikan.

Nakatulong nang malaki ngayong hindi na sila nagkikita ni Aljur.

Kilig-kiligan si Kylie kapag napag-usapan si Rayver Cruz na nali-link sa kanya ngayon.

Close siya sa kapareha sa pelikulang Dilim at inaming maalaga sa kanya si Rayver sa shooting ng pelikula.

Magsisimula na ang Ilustrado sa Lunes Oct. 20, 9:30 p.m. pagkatapos ng Hiram na Alaala.

Michelle hindi kayang ipapapanood sa ama ang mga ginawa sa Bacao

Inamin ni Michelle Madrigal na bida sa Bacao na may maiinit silang love scenes ni Arnold Reyes sa movie bilang mag-asawa. Nag-aalala siya na baka pag pinanood ito ng ama ay himatayin.

‘‘Baka ‘di niya makaya ang lampungan namin ni Arnold. Kahit ayaw ko siyang papanoorin dahil sa takot ay nagpipilit pa rin siyang manood dahil launching movie ko ito,’’ aniya.

Maganda ang execution ng maiinit na love scenes at ‘di lumabas na bastos. Magaling kasi di Direk Boy Vinarao ayon pa sa aktres.

Palabas na ito sa Oktubre 29 mula sa Oro de Siete Productions.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ARNOLD REYES

BAYANI SERYE

DIREK BOY VINARAO

DR. JOSE RIZAL

ILUSTRADO

LEONOR RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with