Gretchen naging maingat kay Direk Chito
Matagal nang crush ni Jessy Mendiola si John Lloyd Cruz at natupad ang pangarap nito na makasama ang aktor sa The Trial ng Star Cinema. Ayon sa aktres masarap katrabaho si John Lloyd dahil inaalalayan siya nito sa tamang pag-arte.
Upang mabigyan ng justice ang role ay kumuha pa ng acting coach si Jessy.
‘‘One time pinapunta ko pa ang coach ko para maturuan ako sa tamang pag-arte sa isang mabigat na eksena,’’ anang actress.
Ang The Trial ay isang dramang pampamilya na may kurot sa puso. Inilalarawan sa pelikulang ito kung paano haharapin ng dalawang pamilya ang isang eskandalo, ipalalabas ito sa Oktubre 15 sa direksyon ni Chito Roño.
Isang mapaghamong papel ang gagampanan ni John Lloyd Cruz sa The Trial na isang mentally challenged na 27-anyos na lalaki na inakusahan sa salang panggagahasa sa isang grade school teacher. Bilang paghahanda sa karakter na gagampanan kumunsulta siya sa isang doktora at inalam mabuti ang wastong pagkilos pagsasalita at pag-uugaling isang pasyenteng may ganoong diperensya sa pag-iisip.
Sa kabilang banda, inamin din ni Gretchen Barretto na hanga siya sa galing umarte ni John Lloyd at noon pa man ay inaasam-asam nito na makatrabaho ang aktor.
Ayon pa kay Gretchen noong una, kabado siya at takot kay Direk Chito Roño pero mabait pala ito. Pero kailangan daw na ang isang artista ay hindi tatanga-tanga ‘pag si Chito ang director ayon pa sa aktres.
- Latest