^

Pang Movies

JM na-excite nang makita uli si Jessy

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Maraming kinilig sa muling pagkikita ng da­ting magdyowa na sina JM De Guzman at Jessy Mendiola sa b-day bash ng aktor last Tuesday sa Grand Villas sa QC.

Nakayakap pa si JM kay Jessy nang magpakuha sila ng picture at kita sa mga mata ng aktor na na-miss niya ang dating GF.

Kita rin naman sa picture nila na masaya si Jessy lalo na sa magandang nangyayari sa buhay at career ni JM ngayon. Bigla tuloy nagtatanong ng update ang mga fans ni Jessy sa manliligaw na foreigner nito na si Sebastian Gasca. Matatandaang sinundan pa siya ng Colombian sa Korea nang magpunta ang aktres sa nasabing bansa. Dahil sa wala nang naririnig kung ano ang status ng ligawan ng dalawa, nanunukso tuloy ang netizens kina JM at Jessy.  Puwede raw silang magkabalikan dahil wala pang ibang pinopormahan ang aktor. At wish ng kanilang mga fans na tutal naman daw na bagay pa rin ang dalawa at may chemistry pa, sana raw ay bigyan sila ng project na magkasama dahil pareho naman silang mahusay umarte.

Iba ang ningning ng mga mata ni JM habang katabi si Jessy at halatang malakas pa rin ang dating sa kanya ng ex-GF, kaya parang nabuhayan ng dugo at sumigla ang aktor habang nakatingin kay Jessy sa pikturan nilang dalawa na walang nabanggit kung saan at kung paano sila nagkita.

At kahit busy si JM hindi raw ito pumapalya sa kanyang training at pagpapawis sa gym kasama ang kanyang coach. Kaya gumaganda ang katawan nito at lalong gumaguwapo ang dating ng aktor.

Hindi rin nawawala kay JM ang kanyang pagtugtog ng gitara at pagkanta. Thankful naman si JM dahil nominated siya sa 6th Music Awards for Music ng PMPC bilang Male Acoustic Artist of the Year.

Tom pinalalakas ang loob sa pagho-host

Patutunayan ni Tom Rodriguez na may talent din siya sa hosting sa game show na Don’t Lose the Money at hindi nagkamali ang Kapuso Network sa desisyon na bigyan siya ng ganitong project.

Buo naman ang support ng kanyang fans na panay ang push sa bagong adventure ni Tom sa kanyang career.

Pinalalakas nila ang loob ni Tom at kayang-kaya raw niya ang hosting job dahil smart naman ito at may ibubuga. Sa ngiti at cute na dimples pa lang daw ni Tom ay pampagana na sa palabas ng GMA 7.

vuukle comment

DE GUZMAN

GRAND VILLAS

JESSY

JESSY MENDIOLA

KAPUSO NETWORK

LOSE THE MONEY

MALE ACOUSTIC ARTIST OF THE YEAR

MUSIC AWARDS

SEBASTIAN GASCA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with