^

Pang Movies

Ombudsman sinuspinde si Ronnie Ricketts, mga nakumpiskang pirated CDs at DVDs ibinabalik daw sa mga may-ari

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ipinasuspindi ng Ombudsman si OMB Chairman Ronnie Ricketts, at apat na iba pang opisyal ng Optical Media Board kabilang ang executive director, dahil sa diumano ay pagkawala ng mga ebidensiyang VCD at DVD na nakumpiska ng board sa isang raid sa Quiapo noong 2010 pa.

Ayon sa sumbong, ang mga nakumpiskang DVD at VCD ay dinala sa office ng Optical Media Board sa Quezon City, pero noong gabi rin mismong iyon, kinuhang muli ang mga nakumpiskang piniratang video at isinakay pa diumano sa isang sasakyan na pag-aari ng nakumpiskahan ng mga video na iyon. Sinasabi rin nilang hindi sinampahan ng Optical Media Board ng demanda ang mga may-ari ng piniratang video.

Si Ronnie Ricketts ay isa sa mga opisyal ng pa­ma­halaan na nanatili pa rin sa puwesto kahit na natapos na ang termino ng nag-appoint sa kanyang si Gloria Macapagal Arroyo.

Wala pa ring statement si Ronnie tungkol sa sinabing iyan ng Ombudsman.

Palagay namin, ang kailangan di­an ay isang mas malalim na imbestigas­yon. Totoo nga bang may mga nakakalusot o pinapaborang mga pirata ang Optical Media Board? Bakit nga ba hanggang nga­yon ay talamak ang bentahan niyang mga pirated CDs?

Noon sinasabi nila na nalipol na nila ang lahat ng mga pirata sa Quiapo. Hindi totoo iyon dahil mas dumami pa ang nagbebenta ng pirated CDs dito, nasa loob na nga lang sila ng mga buildings ngayon. Pero mayroon pa rin namang nagkalat sa kalye. Talamak din ang bentahan ng pirated CDs sa Baclaran, at maging sa Muñoz Market, nakikita namin.

Pero ang sentro talaga ng piracy ay ang Quiapo, dahil diyan nanggagaling ang lahat halos ng mga pirated CDs na nakakalat sa buong Luzon. Hindi rin naman sa Pilipinas nagaganap ang actual piracy. Sinasabing karamihan sa mga pirated CDs ay kinukuha sa Taiwan o sa Malaysia. Iyong mga mumurahing CDs lamang ang talagang ginagawa sa Pilipinas.

Hindi kami sigurado roon sa sinasa­bing nakumpiskang pirated video na ibi­nalik mismo ni OMB Chairman Ronnie Ricketts, kagaya nang sinasabi ng Ombudsman. Pero nagtataka kami kung bakit nga ba hindi masugpo ang film at music piracy.

Iza naiiyak pag naalala ang amang namatay sa cancer

Muntik nang mapaiyak si Iza Calzado sa press conference ng pelikula niyang Maria Leonora Teresa nang tanungin siya tungkol sa kanyang yumaong ama. Inamin ni Iza, nami-miss na rin niya ang tatay niyang si Lito Calzado. Ina­min din niyang alam       niyang kung nabubuhay pa ang kanyang ama sa ngayon, matutuwa iyon sa nangyayari sa kanyang career. Alam      niyang mahal na mahal siya ng tatay niya.

Totoo iyon. Kaibigan na­min ang tatay niyang si Lito, at laging si Iza ang ikinukuwento sa amin noon, noong nabubuhay pa siya. Cancer din ang ikinamatay ni Lito. Talagang iyang cancer nakakatakot na sakit.

Cesca nilinaw ang galit kina Heart at Sen. Chiz

Mabuti naman, nilinaw ni Cesca Litton na ang ikinagalit niya sa kanyang naurong na kasal ay hindi dahil kina Heart Evangelista at Chiz Escudero kung ‘di kung papanong ini-handle ng Balesin Island ang kanilang naging problema sa petsa ng kanilang kasal. In fact, lumalabas ngayon, hindi naman pala sabay ang kanilang kasal kung ‘di magkasunod na araw. Kung organisado sana ang pamunuan ng Balesin Island, e ‘di sana walang problema.

BALESIN ISLAND

CESCA LITTON

IZA

OPTICAL MEDIA BOARD

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with