Pope Francis anim hanggang pitong oras lang ang itatagal sa Tacloban!
Patuloy na bumabangon ang Tacloban City after Typhoon Yolanda last November 18, 2013 at isa sa nakatulong sa madaling pagbangon ng siyudad na matinding nasalanta ay ang pagiging resilient at ang patuloy na pagkakaroon ng faith ng mga tao, sa tulong na rin nina Tacloban City Mayor Alfred Romualdez na ka-team na nagtatrabaho ang wife niyang si Councilor Cristina Gonzales-Romualdez at ng mga private and public entities, pagkatapos ng bagyo.
Isang thanksgiving get-together ang ibinigay ng mag-asawa sa Patio Victoria in Intramuros sa mga entertainment press, para mag-report na rin ng mga pagbabago sa Tacloban at mga Taclobanons. Isa na rito ang nalalapit na pagdating ni Holy Pope Francis on January, 2015. Ngayon pa raw lamang ay puno na ng reservations ang mga hotels nila, may total cleaning na at widening ng mga kalye at aayusin na ang kanilang international airport bilang paghahanda sa pagdating ng Santo Papa.
“May direct communications kami sa Vatican Council at may advance party na silang darating dito,” kuwento ni Mayor Alfred nang makausap bago ang presscon. “Lahat ng activities ay sila ang magbibigay sa amin na siya naming susundin, ang gagawin lamang namin is to prepare the facilities, ang security ng Pope and his entourage. He will celebrate the Holy Mass at the airport at gusto niyang makasama ang mga naapektuhan ng bagyo. He will only stay here from six to seven hours. Kung maganda ang weather, dahil tag-ulan sa Leyte ng January, baka lumabas siya ng airport and go to ground zero, ang lugar na talagang devastated ng bagyo, to be with the people.”
Hindi sure si Mayor Alfred kung darating si Pangulong Noynoy, pero the national government have a hands on everything lalo na sa security na kailangan ang ating kapulisan.
Biniro si Mayor Alfred kung okey na sila ni DILG Secretary Mar Roxas. Hindi raw naman siya nagtanim ng galit kay Sec. Roxas dahil that time pare-pareho silang pressured dahil sa nangyari. Minsan nga raw ay biniro niya si Sec. Roxas na hindi niya malilimutan ito dahil ang MAR stands for ‘Mayor Alfred Romualdez.’ Ang mahalaga raw sa kanya ngayon, maibalik muli ang magandang buhay ng mga Taclobanons tulad ng bago sila nasalanta ng Yolanda. Bumabalik na raw ang mga business nila roon, marami pa ring tulong silang natatanggap, hindi na niya tinatanong kung ano ang nangyari sa mga tulong na sabi’y ipinadala sa kanila. Mayroon pa raw silang 900 families na nakatira sa mga tents na gusto nilang mailipat sa mga pabahay na itinatayo nila sa safe part ng lungsod.
As the possibility na bumalik si Coun. Cristine sa showbiz dahil wala pa silang balak kung tutuloy pa sila sa politics dahil last term na nila ngayon, very supportive naman si Mayor Alfred sa asawa kung tatanggap siya ng offers. Pero si Coun. Cristina, pag-aaralan din muna niya ang offers, kung bagay sa kanya ang role at kung magugustuhan niya.
May two beautiful daughters ang mag-asawa, sina Sofia, 14 at Diana 10. Kung magustuhan daw ng dalawa na pasukin ang showbiz, ipauubaya ni Mayor Alfred kay Cristina ang pag-aadvise sa mga anak nila dahil siya ang may alam tungkol dito.
- Latest