Pero ayaw pang pakasal, Bea si Zanjoe na ang gustong mapangasawa
Isa si Bea Alonzo sa mga A-list stars ng ABS-CBN na nag-renew ng kontrata sa network last Thursday. Ang iba pa ay sina Piolo Pascual, Kim Chiu, and Gerald Anderson. Pumirma sila ng another 2-year-contract each.
Thirteen years na pala si Bea sa Kapamilya network at hindi na mabilang ang serye at pelikulang nagawa niya na ABS-CBN and Star Cinema na halos lahat ay top-rater at box-office hit sa takilya.
Sa ngayon ay napapanood siya sa seryeng Sana Bukas Pa ang Kahapon with Paulo Avelino and Albert Martinez.
Sa panayam ng media kay Bea sa contract signing ay natanong nga siya sa mga kasalan ulit since usong-uso nga ngayon ang engagement at kasalan.
Pero say ng aktres, ine-enjoy lang daw muna nila ng boyfriend na si Zanjoe Marudo ang relationship nila dahil ‘pag nagpakasal na sila ay hindi na nila mababalikan ang moment na ito na mag-boyfriend/girlfriend sila.
Subalit kung tatanungin daw siya kung sino ang gusto niyang makasama habang-buhay, of course, walang iba naman daw kungdi si Zanjoe. Pero sa ngayon, hindi pa raw ito ang tamang panahon dahil marami pa raw siyang gustong gawin sa buhay niya at ganundin ang boyfriend.
Bata pa naman daw sila at mag-iipon daw muna sila.
Samantala, todo-todo ang suporta kay Bea ng kanyang mga fans sa serye niyang Sana Bukas Pa Ang Kahapon. Araw-araw ay pino-post nila ito sa kanilang fan page sa mga social media accounts at gabi-gabi ay talagang sinusubaybayan nila ang kaganapan sa serye.
Ang pinakaaabangan ngayon ng manonood ng SBPAK ay kung kailan malalaman ni Patrick (Paulo Avelino) na si Emmanuel (Bea) ay walang iba kungdi ang asawa niyang si Rose.
Joseph biglang naging in demand
First project ni Joseph Marco outside ABS-CBN ang pelikulang Talk Back and You’re Dead na co-produced ng Viva Films and Skylight Films. Bagama’t sister company rin naman ng Star Cinema ang Skylight, puro Viva Films talents ang kasama niya rito kaya aminado ang aktor na medyo awkward daw talaga during the first few days ng shooting.
“At first, parang medyo uncomfortable talaga ako,” say ni Joseph nang makausap namin siya sa presscon ng Lucky 13 sexy gangsters ng TBYD, “but then again, they proved me wrong kasi everyone is so nice, everyone’s so eager to work, parang sobrang gusto nila ang ginagawa nila, kaya naman sobrang naging smooth ang takbo ng shooting namin.
“Even James Reid and Nadine Lustre, parang okay sila talaga.”
Sobrang thankful din ng young actor na this year, talagang sunod-sunod ang projects niya. Bukod sa mga pelikula, pati sa teleserye ay halos hindi siya nababakante. He’s currently on Pure Love now na kasalukuyang umeere.
“Sobrang thankful talaga. Kasi dati, dumaan ako sa point na talagang naghihintay ako ng trabaho and ‘yun nga, kahit wala akong trabaho, I just kept hoping and looking forward, panay ang panood ko ng mga CDs para matuto ako lalong umarte, hindi lang ako nagmukmok. I just really pushed myself on, and now, I can see na ‘yun nga, dumarating na ang mga opportunies and I’m just really thankful na nabibigyan na ako ng ganitong chance,” he said.
Bukod kina James and Joseph, ipinakilala rin sa press ang iba pang members ng Lucky 13 gang na kasama sa pelikulang TBYD na sina Josh Padilla, Aki Torio, Cliff Hogan, Bret Jackson, Billy Villeta, Kiko Ramos, Arkin del Rosario, King Certeza, Clark Merced, Carlo Lazerma, and Ryan Kevin.
Hindi na rin naman bago sa showbiz ang mga nabanggit dahil karamihan sa kanila ay miyembro ng dating boy band na itinayo ng Viva na XLR8.
Mapapanood silang lahat sa TBYD bilang isang buong grupo na kinabibilangan din nina James and Joseph.
Showing na sa Aug. 20 ang TBYD mula sa direksyon ni Andoy Ranay.
- Latest