Piolo pumayag nang mag-sperm donor
Pumayag na raw, ayon kay Iza Calzado, si Piolo Pascual, para mag-serve na kanyang sperm donor, if and when, she gets sa edad na ‘di na siya puwedeng magkaanak. Pero desperate siya na magkaroon (ng anak), kahit one man lang.
‘‘That would, perhaps, be, when I turn mga 37 at wala pa akong asawa,’‘ susog pa ni Iza.
Now 32 years old and well-settled sa pagmamahal ng kanyang British-Filipino boyfriend na si Ben Wintle, Iza thinks ‘di pa siya ready for marriage. Although, inaamin niyang mahal na mahal din niya si Ben.
Naniniwala raw si Iza na darating ang tamang panahon for that. In the meantime daw na, heto nga, at sinusuwerte siya sa kanyang showbiz career, she wants to take advantage of it.
Right now, as we all know, busy si Iza promoting her movie, Somebody to Love, with Carla Abellana, Matteo Guidicelli, Alex Castro, Albie Casiño, Kiray Celis, Ella Cruz, Jaclyn Jose at Jason Abalos, na produksyon ng Regal Entertainment.
Directed by Joey Javier Reyes, it will open in theaters nationwide, August 20.
She is also doing the series, Hawak-Kamay, where once more, teamed up siya with Piolo Pascual, her first leading man in her first movie, Milan.
Nagsimula raw silang maging close talaga ni Piolo, when they did the blockbuster movie. Starting Over Again, with Toni Gonzaga.
Dingdong Dantes is also offering Iza a role in his MMFF entry, D’Aswang Chronicle, where one of Dingdong’s kapareha, we heard, is Isabelle Daza, pero balitang tinanggihan na niya.
And before we forget, Iza is also in the soon to be released flick ng Star Cinema, Maria Leonora Teresa, which reportedly has a September playdate.
Directed by Wenn Deramas, Maria Leonora Teresa marks Iza’s first time to work with Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo.
Mga taga-industriya panay ang dalaw kina Bong at Jinggoy
Kabilang sa mga dumalaw kina Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada, na parehong kasalukuyang naka-detain sa custodial center ng PNP (Philippine National Police) this week, ay sina Mother Lily Monteverde at Senator Grace Poe-Llamanzares.
Earlier during the week, we heard, too, na dumalaw din sa dalawa si Senator Lito Lapid.
Obvious na sa mga panahong kailangan ng dalawang Senador, who actually have yet to be convicted for a serious offense they supposedly committed, ay makakasama sila sa pagdamay from their colleagues sa showbiz.
Ang bagay na ito, ayon sa dalawang Senador, somehow ang nagbibigay sa kanila ng pag-asang one day soon, the truth will out.
Tiyak na mami-miss, lalo ng entertainment press ang temporarily ay pagkawala ni Senator Bong sa showbiz scene.
Inaasahan pa naman ang taun-taun niyang pagsali sa Metro Manila Filmfest, with an entry, which almost always ends up as one of the event’s five top.
At generous niya tuwing magpapa-presscon dahil nga panahon ng Kapaskuhan.
We’ll surely miss you, Senator Bong, if ever ‘di ka pa nai-release before the Christmas season.
We will keep praying for you.
- Latest