Andrea Torres, may comeback

MANILA, Philippines — Bidang-bida si Andrea Torres sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Akusada.
Ito ang comeback series ni Andrea matapos gampanan ang iconic role na Sisa sa Maria Clara at Ibarra noong 2022, kung saan nanalo siya bilang Best Actress in a Supporting Role sa Platinum Stallion National Media Awards.
Kamakailan lang ginanap ang story conference para sa Akusada kung saan makakasama niya ang iba pang Sparkle artists na sina Benjamin Alves, Lianne Valentin, Marco Masa, Princess Aliyah, at Jeniffer Maravilla.
Ayon kay Andrea, todo-paghahanda na siya para sa kanyang kakaiba at challenging role. “Pinanood po namin ‘yung isang documentary na ginawa ni Ms. Kara David. Sobrang dami niyang naitulong sa amin pagdating sa kung paano ko ipoposisyon ‘yung sarili ko sa role na ito. Sa likod ng mga nakikita natin sa araw-araw na buhay, ito pala ‘yung pinagdadaanan nila.”
- Latest