Kisses, ballet dancer na!

MANILA, Philippines — Nag-viral ang video ng Pinoy Big Brother alumna na si Kisses Delavin habang nagpe-perform sa isang ballet show na Martha Graham School Spring Showcase na ginanap sa Martha Graham Studio Theater.
Kumalat din ang mga litrato ng kanyang training sa Martha Graham School kung saan siya nag-aaral ng ballet na matatagpuan sa New York.
Ang nasabing video ng performance nito ay ipinost ng dance school sa YouTube channel nitong Martha Graham Dance Company noong May na namataan ng mga netizen.
Makikita rin ang post ng isa sa kanyang tila instructor na nagngangalang Rose Nicole, na ni-repost ng isang fan ni Kisses, na mga photo kasama si Kisses na aniya “Wrapped up the 2024-25 school year today at the #MarthaGrahamSchool with the full-time adult program students and amazing accompanist @pablo_eluchans.”
Maaalalang taong 2021 nang mawala si Kisses sa sirkulasyon matapos niyang hindi palarin sa Miss Universe Philippines 2021.
Mula noon ay mas pinili na ng dating aktres ang pribadong buhay na malayo sa showbiz.
Hindi na rin ito naging aktibo kahit sa kanyang mga social media account kaya marami sa mga tagahanga niya ang natuwa nang muli siyang makita.
- Latest

























