^

Pang Movies

Most beautiful cover ni Sarah pinakyaw ng fans

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Nag-promise ang Popsters na papakyawin nila ang mga copy ng Yes! Magazine para suportahan ang Pop Princess na si Sarah Geronimo na hinirang na Most Beautiful Star of 2014 ng naturang babasahin.

Ilang kopya naman kaya ang bibilhin ni Matteo Guidicelli para sa kanyang mahal? Makipag-unahan kaya siya sa pamamakyaw sa fans ni Sarah?

Puro good comments ang naka-post sa social media accounts ni Sarah - nagsasabing deserving ito dahil isa siyang mabuting anak, love na love nito ang kanyang pamilya, at marespetong tao. Nananatili rin daw itong humble kahit sikat na sikat na siya.

Juday at Ryan ayaw sumubok sa pagre-restaurant

Kuwento ni Ryan Agoncillo sa set ng Ismol Family ng GMA 7 na kahit payat ang anak niyang si Lucho ay sobrang takaw daw nitong kumain. Bato-bato raw ang katawan ng bagets na kayang lantakin at ubusin ang isang buong Lapu-Lapu na isda.

Lalo pa’t ang sarap-sarap magluto ng asawa nitong si Judy Ann Santos. Kaya pati raw siya ay napapasubo sa kainan. Mabuti na lang at may control pa rin sila sa pagkain dahil conscious pa rin ang mag-asawa sa kanilang diet at namo-monitor pa rin ang kanilang kinakain. Pero may cheat meal at cheat day naman sila, lalo na raw kapag takam na takam na sila kapag weekends.

Marami ang nagtatanong kung bakit hindi pa nagtatayo ng restaurant si Juday pero  paliwanag ni Ryan ay hindi sila basta-basta sasabak sa negosyo dahil hindi nga naman ganun kadali ito. Sa tamang panahon daw, pero hindi pa ngayon dahil ayaw nilang magtapang-tapangan na sumugod sa pagtatayo ng restaurant, nang walang dala-dalang bala.

Samantala, may iba raw silang pasabog ni Judy Ann, basta’t abangan lang daw ang plano nilang mag-asawa para sa kanilang  fans.

 

vuukle comment

ISMOL FAMILY

JUDAY

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

MATTEO GUIDICELLI

MOST BEAUTIFUL STAR

POP PRINCESS

RYAN

RYAN AGONCILLO

SARAH GERONIMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with