^

Pang Movies

Feel na feel nang lumakad sa altar, Heart hindi napilit mag-propose si Sen. Chiz

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ayon kay Heart Evangelista, baka raw this year ay ma-engaged na siya sa boyfriend na si Sen. Chiz Escudero.

“I’m not engaged yet, but it’s just a matter of when,“ say niya sa Kris TV kahapon.

“We talk about it, in short. 

“Like kunwari when we were going to Paris, ‘So are you going to propose to me in Paris? Kasi I have to get my nails fixed para Instagram-friendly siya.’ Pero sabi niya, ‘Babe, not this month.’ 

‘So this year? (he said) ‘Yes, this year, but not this month.’ So okay na ako,” kwento ni Heart.

Say pa ng aktres, ready na raw siya talaga to settle down. Pero not this year daw at baka raw sa susunod na taon pa.

By then ay 30 yrs. old na raw siya kaya perfect time na raw.

“Even when it comes to my life and my expe­riences I’ve had enough. I’m so happy that I finally met the guy. With love, with past relationships, with experiences, I’ve learned  so much’ already and now I’m ready to go to the next level,” say pa ng isa sa bida ng pelikulang Trophy Wife na showing na sa July 30.

Enzo nag-audition ng dalawang oras para magka-pelikula

First movie ni Enzo Pineda sa Cinemalaya ang Sundalong Kanin under Front Media Entertainment kaya naman very thankful siya for being part of it.

“Kasi last year ko pa gustong mag-audition sa Cinemalaya and nga­yon lang ako nabigyan ng oppor­tunity para mag-audition,” sabi ni Enzo nang makausap na­min sa press­con kahapon para sa pelikula.

Nang malaman nga raw niyang may audition ay nagpunta siya agad sa CCP at two hrs na pumila.

Okay lang daw sa kanya na gawin iyon kaysa naman maghintay lang ng pagdating ng project.

“Kaysa sasabihin mo na hindi ka naman nabigyan ng chances, you get it for yourself na lang kung gusto mo talaga,” he said.

Naurirat na naman kay Enzo ang tungkol sa break-up niya with Louise delos Reyes at biro niya, mukhang hindi pa raw kami nakaka-move on samantalang siya ay naka-move on na.

“Past is past na, tagal na nu’n,” say niya.

“Kung anuman ang nababasa n’yo, siguro ‘yun na ‘yun,” dagdag pa ng Kapuso actor.

 Okay naman ba sila ni Aljur Abrenica na diumano’y umagaw sa kanya kay Louise?

Tumawa na lang si Enzo.

“Nagkita kami sa work and parang civil lang and I guess siguro hanggang doon na lang yun.”

Paanong civil? Nagbatian sila?

“Hindi naman. I just went there for work. Well, wala rin namang kailangang pag-usapan and for me, if its about work, okay lang.  And hindi naman ako pumunta roon para makipagkaibigan. It’s for work naman talaga,” pahayag ng aktor.

Sa ngayon ay dating daw ang status niya pero no one exclusive.

 Ang Sundalong Kanin ay mula sa direksyon ni Janice O Hara at kasama rin niya rito si Marc Abaya.

 

ALJUR ABRENICA

ANG SUNDALONG KANIN

CHIZ ESCUDERO

CINEMALAYA

ENZO

ENZO PINEDA

FRONT MEDIA ENTERTAINMENT

JANICE O HARA

LANG

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with