^

Pang Movies

Arron Villaflor hindi namimili ng trabaho

Wilbur Hernandez - Pang-masa

MANILA, Philippines - “Ayokong mamili ng trabaho. Gusto ko kasi different roles, malaki man or maliit. ‘Di ko tini­tingnan ang sarili kong pang-leading man o pambida talaga,” iyan ang mabait at verbatim na sinabi sa akin ni Arron Villaflor on the very first time naming mag-usap nang matagal at magkatabi quite a few years ago Salve A.

Ito ay mid-2010 when we went out of town one night para sa isang provincial event kung saan si Arron ay maggi-guest host sa isang basketball court sa isang town fiesta.

I have a very photographic memory Salve A. Alalang-alala ko pa at that time, Arron and I were both marveling sa kanyang performance bilang isang disillusioned na Pinoy sa kanyang pagiging nationalistic at patriotic na pananaw sa Cinema One Originals movie entitled Astro Mayabang. Well received ang pelikulang ito.

Sinabi rin ng binata na “basta kung anong role ang i-offer sa akin tanggapin ko kaagad. Kasi pampadagdag sa filmography iyon eh. Basta sikap lang ako nang sikap.” 

True enough the hard works of Arron already paid off. Sa kanyang ginawang mga drama stints sa Maalaala Mo Kaya entitled Tulay, ang lalim ng ipinakitang acting ng binata sa pagganap niya bilang isang probinsiyanong may mga pangarap pero sa hirap na buhay, inakalang wala s­iyang karapatang maging masaya na parang isinumbat niya pa ito sa langit sa isang eksena. Ang ganda ng rating ng episode na iyon. Pero pagdating ng 2013, tunay na nagmarka si Arron bilang si Kael, ang kontrabidang half-vampire half-human na malaki ang galit kay Juan (Coco Martin). Sa ga­ling niya sa role, nagwagi si Arron bilang Best Supporting Actor for Drama sa Star Awards for Television last year.

Ngayong 2014, pinalad na naman ang actor na mapasama sa inaabangan nang teleserye entitled Pure Love na magsisimulang mapanood sa July 7. He is playing the character of Ronald. “Secret protector kung baga ang description ng character ko sa Pure Love,” sabi ni Arron. At bilang sharp contrast kay Kael, “hindi naman siya contravida at hindi siya iyung tipong may galit sa mundo ‘di katulad ni Kael, kung baga sa Juan dela Cruz araw-araw yata akong galit eh tuwing mag-a-appear sa screen. Sa Pure Love lighter side naman ng acting ipapakita ko.”

Come to think of it, sa disiplinang ipinapakita ni Aaron sa kanyang pagiging artista, ‘di talaga siya nabakante. Part siya ng cast ng Call Center Girl starring Pokwang na nag-hit last year. Nasa cast din siya sa Mamarazzi starring Pokwang in 2010. We remember he was also a guest dancer sa dance concert ni Enrique Gil entitled King of the Gil last year. We can only say this young man is truly blessed sa kanyang pag-aartista.

                          

vuukle comment

ARRON

ARRON AND I

ARRON VILLAFLOR

ASTRO MAYABANG

KAEL

PURE LOVE

SALVE A

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with