^

Pang Movies

Lauren ginagawa ang lahat para pumayat!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Nagpa-blood test pa si Lauren Young para ma-detect kung anong pagkain ang nagpapataba sa kanya.

Dumaan na siya sa series of test saka siya nag-under go ng diet sa pamamagitan ng usung-usong food delivery ngayon.

Ipinadadala lang sa kanya ang mga pagkain niya sa buong araw na kailangan saktong amount ng pagkain lang mula agahan, lunch, at dinner.

Affordable naman daw ang p­resyo ng food delivery na ikinatutuwa niya dahil hindi na niya kailangan pang mag-grocery o magluto. Gumanda pa ang kanyang katawan ngayon kahit hindi siya magbabad sa gym.

Naging busy kasi si Lauren kaya wala pa siyang time para mag-work out at okey sa aktres ang ganitong proseso na maganda naman ang naging resulta. Ramdam niya ang paggaan ng kanyang timbang at nasusuot na raw niya muli ang kanyang mga damit.

Mayroon siyang blog account na LY Wonderland  kung saan gusto niyang ma-inspire ang mga readers niya sa mga isini-share niya. Ginagawa na niyang journal ang kanyang blog para maka-inspire at maka-encourage ng iba na magbasa ng libro o mag-enjoy nang tama ang mga kabataan sa kanilang everyday activities.

Samantala ninenerbiyos na si Lauren sa pagpapalabas ng movie nila ni Richard Gutierrez na Overtime ngayong Wednesday (July 2) na released ng GMA Films.

Wish ni Lauren na ma-appreciate ang pinaghirapan nilang pelikula ni Chard. Mapansin din daw sana ang quality ng performance nila na ibinuhos niya.

Makikita rin kung gaano ka-dedi­cated si Richard sa movie na wala raw angal habang ginagawa nila ang pelikula. Inilabas ni Richard ang kanyang pagiging salbahe na hindi pa napapanood sa mga nagawa na niyang movie o kahit sa TV project nito.

Kahit main stream ang pelikula ng Overtime, may touch pa rin ito ng indie dahil halos lahat ng mga bumubuo sa  production ay sanay na sa paggawa ng independent movies. Sa direksyon ito nina Wincy Ong at Earl Ignacio.

vuukle comment

DUMAAN

EARL IGNACIO

GINAGAWA

LAUREN

LAUREN YOUNG

NIYA

RICHARD GUTIERREZ

WINCY ONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with