^

Pang Movies

Magka-kosang Bong at Jinggoy tsika-tsika na sa selda

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Magkakasama sa custodial center ng Camp Crame sina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada.

Bandang hapon na nang malaman ko ang kulungan na pagdadalhan kay Papa Jinggoy.

Sa totoo lang, parang replay ng nangyari noong Biyernes ang mga eksena na nasaksihan kahapon sa Camp Crame.

Ang pagkakaiba lang, iba ang mga karakter ang sangkot. Kung si Bong at ang kanyang pamilya ang starring noong Biyernes, ang pamilya naman nina Papa Jinggoy ang pinagtuunan ng pansin ng taumbayan.

Pinatunayan ni Phillip Salvador ang pagiging mabuting kaibigan dahil kasama rin siya sa mga dumating kahapon sa Camp Crame para samahan si Papa Jinggoy sa pagpasok nito sa custodial center.

Naroroon din ang staff ni Papa Jinggoy sa senado at ang mga supporter niya.

Namataan din sa custodial center si Bobby Andrews na mister ni Bien na member din ng senate staff ni Papa Jinggoy.

Pamilya Estrada emosyonal

Malungkot na malungkot kahapon ang Estrada family sa pagsuko ni Papa Jinggoy sa Camp Crame.

Naging emosyonal ang buong pamilya sa bagong pagsubok na pinagdaraanan ni Papa Jinggoy.

Sure ako na nagkita na kahapon sina Bong at Papa Jinggoy dahil magkatabi lamang ang kanilang mga selda. Kahit papaano, may makakausap si Bong. Hindi katulad dati na nag-iisa lamang siya mula pa noong Biyernes.

Naging generous ang Estrada family sa mga miyembro ng media.

Pinapasok nila ang mga reporter sa loob ng kanilang bahay at nagpaunlak sila na magpainterbyu.

Kung tutuusin, puwedeng hindi papasukin ng mga Estrada sa kanilang bahay ang mga reporter bilang nakatira sila sa isang exclusive village.

Pero hindi nila ipinagkait sa media na makapasok sa kanilang bahay at mainterbyu sila.

Correction please…

May correction please ako. Mali ang mga report na nagrereklamo si Bong na may mga ipis at daga sa kanyang selda.

Never na nagreklamo si Bong dahil kung mata­tandaan ninyo, ang lawyer ni Bong na si Atty. Salvador Panelo ang nagkuwento sa media noong Sabado tungkol sa presence ng mga ipis at daga. Siya ang source ng kuwento dahil nakita niya nang personal ang mga ipis at daga.

Mali ang pagkakaintindi ng ibang mga reporter. Iba ang nagreklamo sa salita na nagkuwento.

Louise at Aljur iwas pa ring magsalita

Tapos na ang taping ng Kambal Sirena ng GMA 7 dahil  magwawakas na ito sa Biyernes.

Ang My Destiny ang papalit sa timeslot na ma­babakante ng Kambal Sirena. Mga bida sa My Des­tiny sina Lorna Tolentino, Carla Abellana, Sid Lucero, Rhian Ramos at Tom Rodriguez.

Ipapakilala ngayong gabi ng GMA 7 ang complete cast ng My Destiny.

Sa lahat ng mga teleserye ng GMA 7 na magtatapos, ang mga artista ng Kambal Sirena ang hindi nagkaroon ng farewell presscon.

Gustong-gusto pa naman ng mga reporter na ma­kausap sina Louise delos Reyes at Aljur Abre­nica na nanatiling tahimik sa isyu na nagkamabutihan sila sa mga unang linggo ng taping ng Kambal Sirena.

Walang closure ang tsismis na si Louise ang dahilan ng break up nina Aljur at Kylie Padilla dahil hindi na siya nagsalita, pati na ang kanyang leading man na naging mailap sa press.

 

ALJUR

ALJUR ABRE

BIYERNES

CAMP CRAME

JINGGOY

KAMBAL SIRENA

PAPA

PAPA JINGGOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with