^

Pang Movies

Nabuko ni Direk Wenn, Matteo mahal na ang tawag kay Sarah

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa Facebook naman, naaliw kami sa post ni direk Wenn Deramas na screen shot ng palitan nila ng text messages ni Matteo Guidicelli sa cell phone.

Ang unang text message sa kanya ni Matteo, “Good morning, direk!”

Pangalawang text message, “Good mor­ning, mahal.”

Pangatlong text message, “Shit, direk! Haha, typo! Hahaha- good morning, direk!”

Sagot naman ni direk Wenn, “Ayun, lumabas ang totoo, mahal mo ko. Ipo-post ko ito sa FB para matawa ang mga tao! Haha.”

Ang million dollar question ay para kanino talaga ang text message na ‘yun ni Matteo na nagkamaling nai-send niya kay Direk Wenn? Para sa rumored girlfriend niyang si Sarah Geronimo?

Well, wala naman sigurong iba kundi si Sarah unless, may ibang nililigawan si Matteo.

So, “mahal” ang tawagan nila, ganu’n ba ‘yun? So, in other words, sila na talaga?

In fairness to Direk Wenn, mas naunang mag-good morning sa kanya si Matteo kaysa kay Sarah, huh!

Kris naka-recover na!

Balik-Instagram si Kris Aquino kinabukasan lang pagkatapos niyang mag-emote last Tuesday na hindi na raw muna siya magpo-post sa IG hanggang hindi pa healed ang kanyang broken heart.

Noong Wednesday ay may bago na ulit siyang post na nagsasabing okay na siya. She even changed her username from @kris_aquino to @lovelovelovekrisaquino.

Narito ang kanyang post sa IG last Wednesday:

“Yes, He Broke My Heart, but 975,000 of you IG followers didn’t... So I’m back & here to stay... I went down to get a cup of chamomile tea & saw all these flowers, balloons & in my kitchen so many fruits & cookies & cakes etc...

“God gently reminded me to stop giving importance to someone who hurt me & START CELEBRATING THE PEOPLE WHO LOVE ME! So I changed my username to @lovelovelovekrisaquino. (love, love, love) Good Night. Love you all. THANK YOU!”

Well, mabuti naman at madaling naka-recover si Kris. We couldn’t imagine her na walang IG, sa totoo lang!

Marian pinu-push ni Dingdong pataas

Isang bagay na ipinagpapasalamat ni Marian Rivera ay ang pagkakaroon ng boyfriend na napaka-suppor­tive sa lahat ng kanyang ginagawa.

 â€˜Yung ibang boyfriend kasi ay sobrang higpit to the point na nagiging hindrance na sa kanilang mga girlfriend pero si Dingdong Dantes, sobrang happy raw kapag may mga bago siyang projects or blessings na natatanggap.

Tulad na nga lamang ng bagong dance show ni Marian na Marian, mas excited pa si Dingdong kaysa sa kanya.

“Isa sa ipinagmamalaki ko sa relationship na­­ming dalawa,” say ni Marian, â€œkung anong achievement ang nakukuha ng bawat isa, masaya kami para sa isa’t isa.

“Kasi, sabi ko nga, sa rehearsal ko, dire-diretso, pagod na pagod talaga ako, talagang inuumaga na ako. Nasa bahay na ako, hindi pa ako makatulog kasi iniisip ko ‘yung mga set ko.

“Pero malaki po talaga ang naitutulong ng ma­hal mo ang trabaho mo, at nakikita mo ‘yung mga mahal mo sa buhay na pinu-push ka pataas at binibig­yan ka ng energy para magawa mo ang trabaho mo.

“Kasi kapag nakikita mo na tsini-cheer ka nila, vitamins lang ‘yan, e. ‘Pag alam mong marami ang nagmamahal at nagtsi-cheer sa ‘yo, parang ‘yung immune system mo, parang, ‘Kaya ko ‘to. At ‘yun ang masu­werte ako dahil buo ‘yun sa akin.”

vuukle comment

DINGDONG DANTES

DIREK

DIREK WENN

GOOD NIGHT

HE BROKE MY HEART

KASI

KRIS AQUINO

MATTEO

SO I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with