Ryan nagdadalawang isip pa sa Talentado…
Congratulations to Ryan Agoncillo at sa game show niyang Picture! Picture! Nakatanggap kami ng balita from Ms. Cecille de Guzman, Program Manager, na nakakuha ang game show ng Certificate for Creative Excellence mula U.S. International Film and Video Festival in Los Angeles, California, the only winner from GMA’s Entertainment Television.
Hindi kaya dahil sa award na ito at sa paggi-guest ni Judy Ann Santos-AgonÂcillo at mga anak nilang sina Lucho at Yohan sa Linggo sa Father’s Day season ender episode, ay i-reconsider ng network na i-extend pang muli ang show?
Kaya lamang, naka-schedule nang mag-pilot telecast ang bagong sitcom ni Ryan na Ismol Family sa June 22, kapalit ito ng Picture! Picture!
Paging GMA, pwede namang ilipat ng ibang timeslot at araw ang either sa dalawang shows, ‘di ba?
So, malabo na bang tanggapin ni Ryan ang offer ng TV5 na siyang mag-host sa muling pagbabalik ng una nilang talent show noon na Talentadong Pinoy?
Nakipag-meeting na raw si Ryan sa mga top executives ng Kapatid Network, pero wala pa siyang desisyon kung tatanggapin niya ang offer.
StarStruck sinu-suggest na ibalik
Over at GMA Network, marami namang nagsa-suggest na ibalik muli nila ang original reality talent show nilang StarStruck dahil ang mga graduates nito ay mas nakilala raw kaysa ginawa nilang Protégé 1 & 2.
Nakalimang batch ang StarStruck, pinakahuli ang batch 5 nina Sarah Lahbati, Steven Silva, Enzo Pineda, Diva Monteleba, at Rocco Nacino, three years ago.
Isa pa ang Survivor na unang naging host si Richard Gutierrez.
Aleng Maliit tumanda na naman!
Happy 9th birthday today, June 12, kay Ryzza Mae Dizon.
Surprise raw kung saan gagawin ang birthday celebration ni Aleng Maliit tulad din ng first showbiz celebration niya last year.
May iyakan na naman kayang mangyari sa birthday celebration niya?
National Artist Awards itutuloy na ba ni PNoy?
Matuloy na kaya today ang paggagawad ng National Artist Awards kina AliÂce Reyes (Dance), Francisco Feliciano (Music), Cirilo Bautista (Literature), Nora Aunor (Film & Broadcast Arts), the late Jose Ma. Zaragoza (Architecture), at Francisco V. Coching (Visual Arts)?
October, 2013 pa raw naipadala ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at National Commission for Culture and The Arts (NCCA) sa Malacañang ang napiling National Artists kaya inaasahang ipu-proklama na sila ni Pangulong Noynoy Aquino ngayong Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
- Latest