Hubad na pictures ni Daniel nagkalat na naman
Dahil sa pagtanggi ng Brazilian-Japanese model na si Daniel Matsunaga na mag-pose ng nude for a cause para sa isang artist sa Pinoy Big Brother, muÂling kumalat ang mga photos niya kung saan nag-pose siya ng nude para sa isang Thai photographer noong nagsisimula pa lang siya sa kanyang modeling career.
Inamin ni Daniel noon na nag-pose siya ng nude para sa isang coffee table book titled Super Stars para maka-raise ng funds para sa mga tsunami victims noong 2006.
Age 16 or 17-years old lang daw si Daniel noong gawin niya ang naturang photo shoot at wala naman daw siyang pinagsisisihan sa ginawa niyang iyon dahil tastefully done ang pagkuha sa kanya.
Kaso ay iba na ngayon. Minsan lang daw niya gagawin iyon at hindi na raw mauulit.
Matapos ng halos isang dekadang pamamahinga, Raymond may bagong album
Pagkatapos ng pitong taon ay muling gumawa ng album ang ‘80s actor-singer na si Raymond Lauchengco.
Ngayon ay nakalabas na sa mga music store ang kanyang latest studio album titled, The Promise sa ilalim ng Viva Records.
Very personal ang bagong CD album na ito ni Raymond dahil siya mismo ang pumili ng songs at binigyan niya ng sarili niyang interpretation.
“This is my 8th studio album since I’ve been in the recording industry way back in 1983. The last CD I did was in 2007 pa titled Full Circle.
“Now, in this new CD album, mas special siya because of the songs that I’ve chosen.
“Ever since I’ve started recording, nakilala ako to sing songs that are somehow sad like Farewell, I Need You Back, So It’s You, Shadow of Time, and Saan Darating ang Umaga?
“This time, more on the love ballads na tayo ngayon. It’s like a tribute to the music that I’ve grown accustomed with during the ‘80s and other music from different decades.
“It’s a flashback of sorts for those music lovers who misses the songs of 30, 40, or 50 years ago!†kuwento pa ni Raymond nang maging panauhin siya sa The Jon Santos Show ng Viva Channel.
Ang carrier single ng The Promise album ni Raymond ay ang sarili niyang version ng NoÂthing’s Gonna Change My Love for You ni George Benson.
Meron din siyang cover versions ng mga awitin nila Barry Manilow (Can’t Smile Without You), Elvis Presley (Can’t Help Falling in Love) Melissa Manchester (The Promise), and The Beatles (Till There Was You).
Sa larangan naman ng pag-arte ay open naman si Raymond sa kahit na anong role na puwedeng ibigay sa kanya.
“Okey pa rin naman ako when it comes to acting. The last acting job I did for TV was in the series Bagets sa TV5.
“Sa movie naman, I had a guest role sa In Your Eyes nila Claudine Barretto and Anne Curtis. That was in 2010. Then in 2012, I did Of All the Things with Regine Velasquez and Aga Muhlach.
“I’m not choosy naman. Pero mas gusto ko talaga ang singing, eh. I am more of a performer than an actor, so to speak,†diin niya.
Isang happy and contented family man si Raymond. Eight years na silang magkasama ng kanyang misis na si Mia Rocha. At 6-years old na ang daughter nilang si Natalie.
Tracy Morgan delikado pa rin ang buhay
Nasa kritikal na kondisyon pa rin ang Hollywood comedian na si Tracy Morgan pagkatapos na mabangga ng isang Walmart truck ang kanyang sinasakyang limo bus.
Pauwi na si Morgan mula sa kanyang show nang ma-rear-end ng isang 18-wheeler ang kanyang limo bus sa may New Jersey turnpike.
Ang driver ng truck na si Kevin Roper ay kinasuhan na ng death by auto. He was charged with 1 count of death by auto and 4 counts of assault by auto.
Kinailangan pang i-airlift si Morgan at ang isa pang pasahero ng limo bus sa pinakamalapit ng ospital. Ang isa pang kasamahan ni Morgan na si James McNair ay dead on the spot.
Kilalang TV and stand-up comedian si Tracy Morgan. Pinakasikat na nagampanan niyang character ay sa Emmy Award-winning hit comedy TV series na 30 Rock kung saan nakasama niya sina Tina Fey at Alec Baldwin.
Ayon sa report ay nag-opening act si Morgan sa kaibigan niyang si Ardie Fuqua at na-post pa ang kanilang photo 30 minutes bago mangyari ang aksidente.
- Latest