^

Pang Movies

OA na ha?! Pagpapa-drug test sa One Direction isang malaking katatawanan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Masyado na yatang nagiging kontrobersiyal dito sa Pilipinas ang boy band na One Direction. Sa susunod na taon pa ang kanilang concert, pero sold out na ang VIP tickets nila. Maraming masama ang loob dahil hindi sila nakabili ng VIP tickets na napakamahal naman kung iisipin para sa dalawang oras na concert lamang. Pero ang mas kontrobersiyal ngayon, may mga grupong gustong ipapigil ang kanilang concert sa susunod na taon.

Nauna rito, may isang NGO na nagsabing kailangang pagdating ng grupo sa airport pa lamang ay sumailalim na sila sa mandatory drug test, isang bagay na wala naman sa batas at wala naman sa regulasyon. Gusto rin ng grupo na habang may per­formance sila ay bantayan ng mga ahente ng PDEA sa backstage, para masiguro raw na walang gagamit sa kanila ng mga bawal na droga.

Mayroon din namang isang pari na nagsa­bing hindi dapat ituloy ang concert ng grupo at hinihi­ling sa gobyerno na ipatigil iyon dahil bad example raw ang One Direction sa mga kabataan dahil gumagamit ang mga iyon ng droga.

Paano ba nagsimula iyan? May lumabas na maikling video ng isa sa mga members ng One Direction, si Zayn Malik, habang nakasakay sa kot­se at may kung anong hinihitit. Suspetsa nila iyon ay marijuana. Nangyari iyan kakamailan lamang nang magkaroon sila ng concert sa Peru. Sinasa­bing ang kumuha ng video kay Malik ay isa pang member ng One Direction, si Louise Tomlinson, na dinig na dinig din sa video ang boses na nagsabi pang “So here we are leaving Peru. Joint lit. Happy days.”

Hindi talaga dapat kunsintihin ang paggamit ng droga, at siguro nga ay kailangan silang bantayan at bigyan ng tagubilin bago pa man sila magtungo sa Pilipinas. Pero iyong sabihin mong kailangan silang sumailalim sa mandatory drug test, o kaya ay tuluyang kanselahin ng gobyerno ang kanilang show dahil sa video na iyan, pala­gay namin ay isang malaking problema.

Ang makakalaban nila ay hindi ang producer o promoter ng show. Malulugi lang iyong producer at promoter, pero ma­liit lang iyon eh. Ang matinding ma­kakalaban nila riyan ay ang mga fans ng grupo, lalo na iyong mga nakabili na ng tickets.

Isa pa, kung ginawa man nila iyon, nangyari iyon sa Peru. Sa Pilipinas wala pa silang nilalabag na batas. Kalokohan na­man yata iyong parusahan sila dahil lang sa suspetsa.

Ok, gusto nin­yong sabihin na bad exam­ple sila. Bakit hindi ninyo nasabi iyan doon sa mga artistang Pilipino na nahuli sa droga sa ibang bansa? Bakit hindi ninyo igiit na magkaroon ng mandatory drug testing ang mga artistang Pilipino, lalo na ang ta­la­mak na gumagamit ng droga?

Atty. Topacio ipinagtatanggol na si Deniece

Si Ferdinand Topacio na pala ang abogado ngayon ni Deniece Cornejo. Isa iyan sa mga kontrobersiyal na kasong hawak niya ngayon maliban kina Claudine Barretto, Gloria Macapagal Arroyo, at Mike Arroyo.

Magkakaharap din sila ulit ng abugadong si Alma Mallonga na siyang abugado ni Vhong Navarro. Si Mallonga rin naman ang abogado ni Dessa Patilan, iyong maid na ipinakulong ni Claudine Barretto na kliyente naman ni Topacio. Talagang magkakasukatan sila ng galing ngayon.

vuukle comment

ALMA MALLONGA

BAKIT

CLAUDINE BARRETTO

DENIECE CORNEJO

DESSA PATILAN

ONE DIRECTION

SHY

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with