^

Pang Movies

Pinanghihinayangan ng mga kababayan

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Agad-agad! Baba agad! Walang masyadong talkies except over spending sa panahon ng eleksyon sa lalawigan ng Laguna ang pinababang gobernador na si ER Ejercito. Sa panahon ng kanyang pamumuno ay marami siyang nagawang maganda at naging larawan ng isang maunlad na Laguna ang kanyang nasasakupan. Maayos na pamamalakad, malinis na atraksyon ng turismo, maka-Diyos na mamamayan, ilan lamang ‘yan sa maraming nagawa ni Gov. ER, huwag nang isama ‘yung nakaraang Palarong Pambansa na ginanap sa modernong palaruan sa kapitolyo ng Laguna sa Sta Cruz.

Matapos ng iba’t ibang namuno sa Laguna, sa panahon ni ER nagkaroon ng pagkakataon na gawin sa lalawigan ang Palarong Pambansa 2014. Libu-libo ang mga atleta na lumahok. Marami ring mamamayang negosyante na nakapaghanap-buhay, mga sasakyan, trycicle, at iba pang pagkakakitaan, grabe!

Anyway sad naman ang mga taga-Laguna sa mabilis na pagkawala ni ER.

May isa pang ugali raw si ER, workaholic daw ito, at kahit gabi ay makikita pa siya sa Kapitolyo na nagtatrabaho.

Marami ang nanghihinayang na mga tricycle driver, pero wala silang magawa, pray na lang daw sila. E, ang pumalit at nanumpa na Governor ay si Vice Gov. Ramil Hernandez na ang alam ng taong bayan ng Laguna ay hindi ito palakaibigan. Abangan ang pagbabalik ng lawin, ang wika ng mga drivers na may mga tarpaulin pa ni ER nun nangangampanya sa likuran ng mga tricycle nila.

Kahit pinatawad na ang aktres, Mon tinira pa rin si Claudine

Naughty Mon Tulfo! Natawa kami sa kanya. Hindi ka magagalit, matatawa ka nga. Pero kung kay Claudine Barretto at mga friends niya, maaasar ka kay Mon. Si Mon ay isang matapang na journalist, at minana ito ng tatlong kapatid na mga nanenermon din. Ito ang mga matatapang na host ng news program na T3 Reload, ang Tulfo Brothers na sina Raffy, Erwin, at Ben. Ito ‘yung programang ‘pag duwag ka ‘di mo makakayang tarayan ang tatlong brothers, lalo na kapag sumutsot si Ben ‘pag nagsalita ka nang walang preno at naging pasaway.

 Walang laban si Mon sa isang mahinang babae like Claudine, aniya ‘yung bait pa niya, pinatawad ang aktres dahil may diperensya sa utak. Ganoon! kung ‘di ninyo known ang ibig sabihin ni Mon, look na lang kayo sa Sky!

vuukle comment

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

MARAMI

NAUGHTY MON TULFO

PALARONG PAMBANSA

RAMIL HERNANDEZ

SI MON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with