Miguel Tanfelix pinaghandaang mabutI ang Niño
MANILA, Philippines - Excited na ang Kapuso tween star na Miguel Tanfelix sa pagsisimula ng pinakabagong niyang proyekto sa GMA Network, ang primetime series na Niño, kung saan maipapakita niya ang kanyang husay at galing sa drama.
Gagampanan ni Miguel ang lead role sa drama series bilang si Niño, isang mentally challenged na 15-year-old na batang lalaki na may pag-iisip ng isang 7-year-old.
“Sobrang excited po ako pero kinakabahan din dahil first lead role ko. Siguro kailangan lang talaga ng focus para mawala yung kaba at pressure. Kailangan ng focus and discipline sa sarili,†pahayag ni Miguel.
Dahil sa napaka-challenging ng role niya sa serye, pinaghandaang mabuti ni Miguel kung paano niya bibigyang-buhay ang karakter ni Niño. Bukod sa workshops, hinikayat din siya ng batikang direktor ng programa na si Maryo J. Delos Reyes na panoorin ang pelikulang “I Am Sam†upang mas mapag-aralan ang kanyang role.
“Pinanood ko rin yung movie ni Sean Penn na I Am Sam,†sabi rin ni Direk Maryo panoorin ko yun. Medyo kakaiba yung role ko sa Niño kaya kailangang paghandaan. Pati kilos parang bata. Sa pag-iisip, matagal ang pick up niya. Bago magsalita, magstu-stutter muna siya.â€
Samantala, bukod sa excitement na kanyang nararamdaman dahil magagaling na artista ang makakasama niya sa Niño, tuwang-tuwa rin si Miguel dahil muli niyang makakatrabaho sa serye si Direk Maryo na una niyang nakatrabaho sa primetime series na Biritera.
Ayon kay Miguel, marami siyang aral na natututunan kay Direk Maryo sa harap at likod ng kamera. At ang pagiging professional pagdating sa trabaho ang pinakanatutunan niya sa direktor.
“Pag trabaho, trabaho talaga hindi pwedeng maglaro-laro. Kung work ang pinunta mo, work talaga. Kailangan mag-focus at maging professional. Sa likod ng kamera, mabait si Direk. Pagkakain kami siya pa ang nag-aaya sa amin.â€
Makakasama rin ni Miguel ang child star na si David Remo bilang si Tukayo, ang Sto. Niño incarnate na magiging kaibigan at katuwang niya sa pagbibigay ng tulong at inspirasyon sa mga tao.
- Latest