^

Pang Movies

Young actress nahawa sa mga kabarkadang masasama ang ugali

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

May sama ng loob pala ang isang kilalang fashion designer sa isang female celebrity dahil pinagpalit na raw siya nito para sa ibang designer.

Sumisikat na kasi ang female celebrity kaya umaakyat na sa ulo nito ang kanyang kasikatan.

Si fashion designer ang nag-alaga sa mga damit ng female celebrity noong nagsisimula pa lang ito.

Kapag wala itong masuot, tatawag lang daw si young actress sa designer na ito para makahiram ng magandang damit. Wala namang pagtatanggi ang designer dahil parang anak na niya kung ituring ang female celebrity.

Pero napansin ni fashion designer na noong magkapangalan na ito, hindi na ito madalas pumunta o tumawag sa kanyang shop unlike noon na tumatambay pa roon. Nabalitaan niya na sa kaibigan niyang designer na ito nagpapagawa.

Nang minsan daw aksidenteng magkita si fashion designer at ang female celebrity sa isang event, hindi man lang daw lumapit ang female celebrity para magbigay pugay. Kundi, parang umiwas pa itong makita siya.

Doon nga sumama ang loob ng fashion designer dahil malaki ang itinulong niya sa batang ito noong wala pang name. Pero ngayon ay malaki na ang pinagbago nito.

Ang hiyang-hiya sa inasal ng kanyang “anak” ay ang kapatid nito. Nag-sorry ito sa fashion designer at sinabing nagulat din sa nagiging ugali ng kapatid niya.

Hindi nga raw magandang impluwensya ang mga kaibigan nito ngayon. Mga pasaway din daw kasi kaya parang nahawa na ang kanyang kapatid.

Wish lang ng fashion designer na iwasan na ng aktres ang mga kaibigan niya ngayon. Alam niyang mabait ito pero naiimpluwensyahan lang ng mga walang modong friends nito.

Hindi magawang ihatid, Chariz naiyak nang pumasok sa Bahay ni Kuya ang kambal na kapatid

Twin brothers ng Kapuso comedienne na si Chariz Solomon sina Fourth at Fifth Pagotan na pumasok sa Pinoy Big Brother (PBB) All In.

Una silang nakilala bilang Robert at Bobby Solomon noong lumabas sila sa mga shows ng GMA 7.

Miyembro rin ng dance group na Dance Squad ang kambal at gumawa ng ilang mga TV commercials.

Alam ni Chariz ang pagpasok ng kanyang twin brothers sa Bahay ni Kuya. Pero kailangang isekreto muna nila ito dahil may big launch pa ang mga bagong housemates.

Pagbibiro pa ni Chariz na mas kinakabahan pa raw siya kesa sa mga kapatid niyang pumasok sa Bahay ni Kuya.

“Sa totoo lang, mas ako pa ang natatakot kesa sa kanila. Siguro dahil alam ko ‘yung pressure sa loob ng showbiz.

“At the same time, natatakot ako na baka may umaway sa kanila or may mang-bash sa mga kapatid ko.”

Naiyak daw si Chariz noong napanood niya sa TV ang pagpasok ng kambal sa loob ng Bahay ni Kuya.

“Hindi ko kasi sila maihatid. Alam naman nila ang dahilan kung bakit hindi ako puwede. Pero nag-promise ako sa kanila na lagi ko silang aabangan.”

Nagbigay daw ng sisterly advice si Chariz sa kanyang twin brothers bago sila magkahiwalay.

“Huwag sila mag-aaway doon. Relax lang sila at mag-enjoy. Huwag sila masyadong mag-isip—just go with the flow lang para ma-enjoy nila ang ginagawa nila sa Bahay ni Kuya.”

Napapanood si Chariz ngayon sa Bubble Gang at Pepito Manaloto. Wala raw muna siyang tinanggap na teleserye dahil mas gusto niyang marami siyang oras para sa kanyang baby na si Apollo.

Jennifer Lawrence nanalong pinaka-sexy na babae ng 2014 dahil sa armpit vagina

Si Jennifer Lawrence ang hinirang na Sexiest Woman In The World ng FHM magazine para sa kanilang 2014 Top 100 list.

Last year ay nasa number 2 spot ang Oscar winner at ang nasa number one ay si Mila Kunis. Ngayon ay kinabog na niya si Mila na buntis ngayon sa fiancé nitong si Ashton Kutcher.

In-explain ng FHM kung bakit si Jennifer Lawrence ang napili nila. Nagustuhan nila ang kakaibang personality nito at gagawin nito ang kanyang gusto without letting anyone know.

Kasama sa mga quirky acts ni Jennifer ay nang ipagupit niya ang kanyang mahabang buhok, ikuwento na pinadalhan siya ni Jack Nicholson ng champagne at flowers pagkatapos niyang manalo ng best actress sa Oscar last year at ang walang takot na sabihin on national television ang word na “armpit vagina”.

Kabilang pa sa Top 10 ng FHM sina Michelle Keegan, Rihanna, Emily Ratajkowski, Kaley Cuoco-Sweeting, Mila Kunis, Beyonce, Lucy Mecklenburgh, Nicole Scherzinger, and Scarlett Johansson.

Kasama rin sa Top 100 sina Kendall Jenner, Cressida Bonas, Cara Delevingne, Ellie Goulding, Ariana Grande, Sarah Hyland, Nigella Lawson, Taylor Swift, Amy Adams, Jennifer Aniston, Kim Kardashian, Kate Moss, and Pippa Middleton.

 

vuukle comment

ALAM

CHARIZ

DESIGNER

JENNIFER LAWRENCE

KANYANG

KUYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with