^

Pang Movies

Isang episode ng show ni Kris, dedicated sa hiwalayan nila ni Herbert

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kahapon sa Kris TV ay hindi na naman nakapagpigil si Kris Aquino na hindi pag-usapan si Quezon City Mayor Herbert Bautista. Ito ay sa kabila ng promise ni Kris kay Bistek na hindi na siya pag-uusapan sa shows nito

Bagama’t hindi naman niya mine-mention ang name ni Herbert, obvious at walang dudang siya ang tinutukoy.

Singers ang guests ni Kris kahapon tulad nina Nyoy Volante, Sabrina, Troy Dulay, and Radha Cuadrado. At lahat ng songs na kinanta ng mga ito ay may kinalaman sa paghihiwalay na ayon sa Queen of All Media ay siyang nilalaman ng puso niya nga­yon.

“In the interest of clarity, nag-text ako at sinabi ko, ‘This is your playlist. Pasensiya ka na pagbigyan mo na last na ito. We will never gonna talk about you again for the rest of our lives,’” kwento ni Kris.

Ang reply daw sa kanya ay “okay, may flag ce­remony”.

Carmina Villaroel, her guest co-host, asked kung lahat ba ng songs na kakantahin ng mga guest ay para sa kanya, Kris said “yes”.

“Hindi man ako makapagsalita, ito lahat ang nilalaman ng puso ko at alam mo naman ito,” say pa ni Kris sabay-dedicate ng next song na Separate Lives performed by Radha and Troy.

“So, ‘yung next song, ito talaga ‘yun,” say pa ni Kris.

Ang ilan pa sa mga song na na-perform ay ang With or Without You, I Don’t Want to Be Your Friend, and ni-request din niya ‘yung The Man Who Can’t Be Moved and Somewhere Down the Road.

“Lahat naman ng tao may karapatan na magkaroon ng pag-asa. I’m not saying in this particular instance pero ...all of you must have gone through somebody you loved na if given a chance... Nabasa ko ito kagabi, ‘If you could have a second chance to meet somebody all over again, who would it be?’” say pa ng Queen of All Media.

Tinanong ni Carmina kung sino at say ni Kris, ayaw niya raw sagutin. “Lalaki ang ulo,” say pa niya.

Mga dating Beauty Queen nagsama-sama sa Miss Taguig

Pinabilib kami ni Taguig Mayor Lani Cayetano sa kanyang proyekto na Mutya ng Taguig 2014 Coronation Night held last Saturday, April 26 at the Samsung Hall of SM Aura, Taguig dahil halatang ginastusan at pinaghandaan ang event.

Ikatlong Mutya ng Taguig na ito ni Mayor Lani at taun-taon ay talagang ginagastusan ito ng city government kung saan ay naglalaban-laban ang magagandang dilag mula sa 25 barangays ng Taguig.

Star-studded ang event dahil na rin sa mga celebrity and beauty queen ang judges nito. Imagine, napagsama nila sina 1979 Miss International Melanie Marquez and 1973 Miss Universe Margie Moran-Floirendo pati na ang reigning Bb. Pilipinas International 2014 na si Mary Anne Bianca Guidotti. Kasama rin sa panel of judges sina Ricky Davao at Ikaw Lamang director, Manny Palo.

Ang nagsilbing hosts of the night naman ay sina Bobby Yan and Giselle Toengi.

Ang nahirang na Mutya ng Taguig ay si Ramona Mauricio Napindan, 1st runner-up naman si Kristine Bianca Quizon, 2nd runner-up si Jennah Liza Fernandez, 3rd runner-up si Kristel Anne Las Piñas, and 4th runner-up si Jeramie Mae de Vera.

 

vuukle comment

BE MOVED AND SOMEWHERE DOWN THE ROAD

BE YOUR FRIEND

BEAUTY QUEEN

BOBBY YAN AND GISELLE TOENGI

CARMINA VILLAROEL

CORONATION NIGHT

QUEEN OF ALL MEDIA

TAGUIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with