^

Pang Movies

Sharon, napa-oo ni Robin?!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Sharon, napa-oo ni Robin?!
Sharon Cuneta

Matuloy kaya ang plano ng Borracho Films producer na si Atty. Ferdie Topacio na makuha ang serbisyo ng Megastar na si Sharon Cuneta na maging leading-lady ni Sen. Robin Padilla sa biopic ni dating Sen. Gringo Honasan, ang Gringo: The Gregorio Honasan Story mula sa panulat ng Palanca award-winning writer na si Eric Ramos at sa magkatulong na direksyon nina Lester Dimaranan at Abdel Langit?

Balak ni Atty. Topacio na si Sharon ang gaganap na misis ni Sen. Robin sa movie as Mrs. Jane Umali-Honasan.

Although hindi pa ito kumpirmado, natuwa si Sen. Robin sa posibilidad ng balik-tambalan nila ng kanyang Ma’am Sharon na minsan ding naging bahagi ng kanyang buhay.

Kung papalarin, balak ng Borracho Films na ito’y isali sa darating na 50th Metro Manila Film Festival.

Ang shooting ng pelikula ay magsisimula this month.

David, kulang pa sa lalim!

Star-studded ang ginanap sa red carpet premiere night ng pelikulang That Kind of Love na pinagbibidahan ng pinakabagong hot loveteam ng Kapuso network na sina Barbie Forteza at David Licauco na ginanap sa Cinema 8 ng SM Megamall nung nakaraang July 4 ng gabi.

Habang tumatakbo ang pelikula ay hindi maiwasan ang hiyawan ng mga supporters ng BarDa sa loob ng sihihan dahil hitik ang pelikula ng kilig factor.  Makikita ang strong chemistry sa pagitan nila sa feel good romantic comedy movie.

Maganda ang rehistro ng dalawa on screen at litaw ang pagiging mahusay ni Barbie habang nakukulangan pa kami sa acting na ipinakita ni David na wala pang lalim.

Pero walang makakakuwestyon sa strong chemistry sa tambalan ng dalawa.

Ang pakiramdam nga ng maraming nakapanood ng pelikulang That Kind of Love ay parang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang formula o ‘di  kaya’y John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo ang formula ng pelikula.

Lumabas ang lahat ng sinehan na masaya dahil kinilig umano sila sa first movie nila, ang That Kind of Love na matutunghayan na sa mga sinehan sa darating na July 10, araw ng Miyerkules.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with