^

Pang Movies

Sa hirap na dinanas sa pagpapa-sexy, Mommy Osie maraming na-inspire

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Marami ang na-inspire kay Mommy Osie Nebreja, 45 years old, na hindi man siya ang nanalong Pinoy Biggest Loser last Saturday sa PBB Pinoy Edition Doubles finale, dobleng cash prizes naman ang nakuha niya. Bukod tanging sina Mommy Osie at Francis Asis lang kasi ang team na naiwan sa contest.

Naawa ang viewers sa pinagdaang challenges ni Mommy Osie na matagumpay naman niyang nairaos. Kaya naman marami siyang instant fans ngayong pumayat na siya.

Natuwa rin ang mga manonood na muling nakita ang showbiz royalties na sina Pat Martinez at Cathy Bautista sa finals last Saturday na seksi na rin ang pangangatawan. Happy ang dalawa dahil napatawad na sila sa mga pagkakamali nila sa loob ng camp ng BLPED kaya naka-move on na rin ang showbiz royalties. Umamin ang dalawa na nagdala sila ng slimming tea sa loob ng camp sila na ang kusang-loob na nagsuplong sa sarili nila.

Mariel miss na miss na ng PBB fans

Pakinggan kaya ng management ng ABS-CBN ang request ng fans na isali muli si Mariel Rodriguez sa Bahay ni Kuya bilang TV host? Tutal nga naman ang theme ngayon ay PBB All In kaya swak kung papasok siya sa PBB house.

Nami-miss na raw kasi ng fans ang kakulitan ni Mariel.

Pinalitan si Mariel ni Alex Gonzaga na kung kulitan lang din naman ang pag-uusapan hindi padadaig si Alex na isa ring kangkarot pagdating sa hosting.

Parang teleseryeng sinusubaybayan, pagkahuli kay Deniece inaabangan!

Pahulaan kung saan na nagtatago ngayon si Deniece Cornejo matapos na makulong sina Cedric Lee at Zimmer Raz sa NBI, na nahuli sa Samar last Saturday.

Curios ang lahat sa kahahantungan ni Deniece na malamang ay takot na sa kanyang magiging kapalaran sa loob ng kulungan. Imagine excited na ang dadatnan niyang detainees.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

ALL IN

CATHY BAUTISTA

CEDRIC LEE

DENIECE

DENIECE CORNEJO

FRANCIS ASIS

MARIEL

MARIEL RODRIGUEZ

MOMMY OSIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with