^

Pang Movies

Kaya hindi tinatagalan ng girlfriend hunky model once a week lang maligo

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Marami ang tila na turn-off sa hunky model na ito na pinapantasya ng marami nang minsan ma-interview ito para sa isang cable show.

Inamin kasi raw nito na once a week lang daw siya kung maligo. Nakasanayan na raw niya iyon since bata siya.

The rest of the week daw ay dinadaan na lang daw nito sa papunas-punas.

Dahil sa revelation na ito, may mga ibang na-turn off sa hunky model dahil iniisip nila kung ano ang amoy nito since isang beses lang daw sa isang linggo ito kung maligo.

Ibig sabihin ba nito ay dinadaan lang niya sa paglagay ng pabango para hindi maamoy na hindi pa siya naliligo ulit?

Ito kaya ang dahilan kung bakit wala itong nagtatagal na girlfriend dahil sa nakasanayan nitong once-a-week lang kung maligo?

Guwapo at macho pa naman ang hunky model. Pero kung ganyan ang makagawian niyang paglinis ng kanyang katawan, matu-turn off ang kahit na sinong babaeng makakarelasyon niya.

Dapat ay may magturo sa hunky model na ito na maligo araw-araw dahil iba ang klima rito sa Pilipinas.

Kung nais niyang hindi mawala ang pantasya sa kanya ng mga girls at gays, ibahin niya ang kanyang personal hygiene dahil hindi puwedeng idaan sa papunas-punas lang ang dumi sa buong katawan.

Iwa Moto balik na sa pagsasayaw

Nakabalik na si Iwa Moto sa kanyang slim na panga­ngatawan pagkatapos nitong manganak last year sa baby girl nila ni Pampi Lacson na si Mimi.

Ngayon ay patutunayan ni Iwa na kaya na niyang magbalik-showbiz dahil kasali siya sa bagong batch of celebrity contestants sa Celebrity Dance Battle Cycle 2 ng TV5.

Makakasama ni Iwa sa Celebrity Dance Battle ay sila Shalala, Juan Direction hunk Brian Wilson, at Tina Paner.

 â€œGusto ko pang mas pumayat pa ako. Kaya ito ang reason bakit ako sumali ng Celebrity Dance Battle.

 â€œNa-miss ko na ang humarap sa camera at siyempre, ang sumayaw. Kaya todo ensayo ako parati. Kaya hindi lang ako enjoy, papayat pa ako nang husto!” tawa pa ni Iwa.

Ang mga judges nga para sa Celebrity Dance Battle ay sina Douglas Nierras, Edna Ledesma, Giselle Toengi, and America’s Next Top Model runner-up Allison Harvard.

Hosted by Lucy Torres-Gomez with Anthony and David Semerad.

Aktres kinasuhan ang pharmacy sa New York

Nag-file ng isang civil lawsuit na nagkakahalaga ng $6 million ang aktres na si Katherine Heigl dahil sa paggamit ng New York pharmacy na Duane Reade ng kanyang pangalan gamit ang isang paparazzi photo para sa commercial advertising nito.

Nagulat ang Emmy winner for Grey’s Anatomy nang makita niya via Facebook and Twitter ang kanyang photo sa advertising ng Duane Reade. Agad niyang tinawagan ang kanyang lawyer na si Peter Haviland para mag-file sila ng civil lawsuit sa naturang pharmacy store.

“We expect Duane Reade to pay for its willful misuse of Katherine Heigl’s name and likeness,” ayon pa kay Atty. Haviland.

Dagdag pa nito na ang makukuha nilang pera mula sa civil lawsuit ay ido-donate ni Heigl sa isang charitable institution, The Jason Debus Heigl Foundation, na tinayo niya in 2008 pagkatapos mamatay ng kanyang kapatid sa isang car accident.

  

vuukle comment

ALLISON HARVARD

ANTHONY AND DAVID SEMERAD

BRIAN WILSON

CELEBRITY DANCE BATTLE

DUANE READE

IWA MOTO

KATHERINE HEIGL

KAYA

NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with