^

Pang Movies

Dennis tinatanong na ng anak sa girlfriend

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kasama ni Dennis Trillo ang kanyang anak na si Calix sa nalalapit na Holy Week. Hindi gumawa ng ibang plano ang aktor dahil ang tanging gusto niya ay ang makasama ang six-year-old son niya sa mahabang bakasyon ngayong summer.

“Magkasama kami ni Calix and ngayon nga naghahanap kami ng place kung saan mag-stay dahil masyadong maraming tao and fully booked na lahat pero definitely magkakasama kami, buong pamilya,” ngiti pa ni Dennis.
     Since wala pa raw bagong sinisimulan na teleserye, mas marami ang oras na naibibigay niya sa kanyang anak.

Okay lang naman daw ito sa ina ni Calix na si Carlene Aguilar dahil matagal na raw silang nagkaayos nito.

“Ngayon talagang mas masaya ako bilang tao, mas fulfilled ako bilang tatay kasi marami kaming bonding moments.

“Kung before medyo nagkulang tayo dahil sa trabaho natin. Ngayon, parati na kaming nagkikitang mag-ama.

“Tamang-tama at bakasyon na si Calix from school kaya mas lalong kasama ko siya lagi,” say pa niya.

Natatawa raw si Dennis kapag tinatanong siya ng kanyang anak kung may girlfriend na ba siya. Sinasagot naman daw niya ang anak niya.

“Sabi ko wala, ‘I don’t have a girlfriend.’ Sabi ko wala akong time and ayokong mawalan ng oras sa kanya kung sakaling magkakaroon ako ng girlfriend,” sabi ni Dennis.

Busy ang aktor ngayon sa shooting ng isang indie film entry para sa 2014 Cinemalaya Independent Film Festival na The Janitor na mula sa direksiyon ni Mike Tuviera.

Tungkol sa isang bank robbery ang kuwento ng The Janitor.

“Tungkol ito sa isa sa bloodiest bank robberies sa buong Pilipinas.

“Pulis ako na naalis sa katungkulan, temporarily, ’tapos na-assign ako dun para imbestigahan ang kaso. Hinanap ko ‘yung mga suspek, ’di ba parang janitor, taga-ligpit ng mga suspek,” kuwento niya.

Sila ng kanyang partner sa gay-serye na My Husband’s Lover na si Tom Rodriguez ang hinirang na PEPster’s Choice for Celebrity Pair of the Year.

Hindi makapaniwala si Dennis na tinalo pa nila ni Tom ang mga sikat na love team ngayon sa TV.

“Napaka-refreshing nung pakiramdam at parang first time yatang nagkaroon ng dalawang lalaki manalo bilang love team, at masaya kami na nangyari ’yun dahil siyempre nauna kami sa isip n’yo,” sabi ni Dennis.

James at Nadine pumapalo ang music video

Nag-trending sa social media, particularly sa Yahoo! Philippines at Twitter ang love team nina James Reid at Nadine Lustre or kilala bilang JaDine ng malapit nang ipalabas na summer rom-com ng Viva Films na Diary ng Panget: The Movie.

Sa YouTube ang Diary ng Panget: The Movie Official Full Trailer ay umabot na ng 1,552,886 views (as of March 26, 5:00 p.m.) at tumataas pa ito araw-araw.

Ang Facebook page nga nito ay umabot na sa 133,000 likes.

Maging ang music video nina James at Nadine na No Erase na isa sa kasama sa original soundtrack ng Diary ng Panget ay may 450,000 hits na on YouTube.

Ang music video naman ni Nadine na Paliguy-ligoy ay may 216,000 hits na.

Patuloy din ang Diary ng Panget mall caravan kasama sina Andre Paras at Yassi Pressman: March 31, Monday at SM Calamba, Laguna (4:00 p.m.); April 4, Friday at TriNoma, Quezon City (4:00 p.m.); and April 5, Saturday at SM Sta. Rosa, Laguna (4:00 p.m.).

Sa April 2 na ang showing ng Diary ng Panget: The Movie sa ilalim ng direksiyon ni Andoy Ranay at based sa best-selling book by Denny.

vuukle comment

ANDOY RANAY

ANDRE PARAS

ANG FACEBOOK

CARLENE AGUILAR

CELEBRITY PAIR OF THE YEAR

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

DENNIS TRILLO

NADINE

PANGET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with