^

Pang Movies

Dennis kakaiba ang naranasan nang makatabi si AiAi

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nag-enjoy ang lahat ng entertainment press na dumalo sa announcement ng winners ng PEPSTERS’ Choice Awards dahil sa aliw na pagho-host ni AiAi delas at ang pagkikita nila ni Dennis Trillo.

Ginanap ang announcement ng winners sa Mango Tree Bistro sa Bonifacio Global City, Taguig City last Thursday at naroroon naman si Dennis dahil sila ni Tom Rodriguez ang napili as Celebrity Pair of the Year for their successful teamup in My Husband’s Lover.

Nagho-host na si AiAi nang dumating si Dennis at narinig niya agad ang boses ng Comedy Concert Queen nang pumasok siya sa venue.

 Kinilig na agad si AiAi nang makita si Dennis. It could be remembered na simula nang magkasama sila sa backstage ng Star Awards for Movies held two weeks ago, tuksu-tuksuhan na silang dalawa sa showbiz dahil sa pag-amin ng komedyana na type niya ang aktor.

Sa Q and A portion ay natanong na agad si Dennis kung ano ang feeling niya nang makita niya si AiAi muli?

 â€œKasi nang marinig ko pa lang ang boses niya, parang may naramdaman na akong kinabahan na ako ng kaunti, ‘nandiyan pala siya.’ Nung pagpasok ko, hindi ko alam na siya pala ’yung boses. So, medyo nabigla,” saad ni Dennis.

Naiilang ba siya or napa-flatter sa nakikita niyang reaksiyon sa kanya ni AiAi?

 â€œMagkahalo eh. Ilang, saka pagka-flatter, dahil siyempre nakuwento ko nga sa kanya dati nung magkasama kami sa Star Awards medyo na-starstruck talaga ako sa kanya dahil bata pa lang ako napapanood ko na siya,” sabi ni Dennis.

Hirit naman ni AiAi na pasita kay Dennis, “Kung maka-bata ka naman!”

Bawi ni Dennis, “Hindi. Ibig kong sabihin, iba ’yung pakiramdam na maging katabi ko kayo buong gabi kaya grabe, grabeng experience.”

Naroroon din si James Yap dahil siya naman ang napiling Male Newsmaker of the Year at kaaliw din ang pag-akyat niya sa stage dahil tinawag siyang “friend” ni AiAi.

Siyempre tawanan dahil, as we all know, may tampuhan ngayon si AiAi at ang dating misis ni James na si Kris Aquino.

 â€œUpo ka friend,” say ni AiAi kay James. “Sisikat tayong lahat ngayong araw na ’to. Lahat tayo front page,” patawang hirit pa uli ng komedyante.

Sagot naman ni James, “Patay tayo diyan.”

Natanong si James kung ano ang pakiramdam niya na siya ang napiling Newsmaker of the Year at say niya ay hindi raw niya ito ine-expect. Aniya, nahihiya nga raw siya at hindi siya sanay pero nagpapasalamat daw siya sa lahat ng bumoto sa kanya.

Nadine na-awkward nang madaganang nakahubad si James

Aminado si Nadine Lustre na nakaka-conscious talaga ang leading man niya sa Diary ng Panget: The Movie na si James Reid. Sino nga ba naman ang hindi eh ang guwapu-gwapo ng young actor na ito?

She admits, kapag may mga sweet scene sila, kahit paano ay nako-conscious daw siya.

Ano ang ginagawa niya para hindi siya ma-conscious?

 â€œWe talk a lot, kami ni James, para mawala ang reluctancy namin. And ’yun po, with the help naman of Direk Andoy (Ranay),” saad ni Nadine nang makausap namin sila sa pocket presscon for the movie.

May mga eksena raw talagang awkward sila lalo ’yung topless scene ni James kung saan ay natumba siya kay Nadine.

“It’s the position po kasi I had to be on top of him. Pero okay naman po siya. Sabi ni Direk Andoy, “O, ganito gawin n’yo, ganyan.’ So, after that, okay naman,” saad ni Nadine.

Sa pelikula ay supladong matapobre and mean guy ang role ni James at sabi niya, hindi raw siya ito in real life.

In fact, umayon naman si Nadine at aniya, very shy daw si James in real life.

“Very timid, but then, he’s really nice,” pagde-describe ni Nadine.

Showing na on April 2 ang Diary ng Panget pero hindi pa man ay mainit nang pinag-uusapan ang mga bida especially Nadine and James. Kasama rin nila rito sina Andre Paras and Yassi Pressman.

Natutuwa naman sina James and Nadine na maingay ang rom-com movie but, at the same time, kabado pa rin daw talaga sila and wish nila na tangkilikin din ng mga tao ang pelikula tulad din ng pagtangkilik dito online.

vuukle comment

AIAI

DENNIS

DIREK ANDOY

JAMES

NADINE

NAMAN

NANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with