^

Pang Movies

Deniece Cornejo nabuking sa working permit na ‘waitress’ ang totoong trabaho

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Paano kaya ipapaliwanag ni Deniece Cornejo ang kopya ng working permit niya na kumalat sa social media?

Malinaw ang nakasulat sa working permit na waitress sa isang bar ang job description ni Deniece, isang isyu na mahigpit na pinabulaanan ng kanyang kampo.

Marangal na trabaho ang pagiging waitress pero depende ito sa pagkakaintindi. May mga tao kasi na iba ang pumapasok sa isip kapag sinabi ng isang babae na pagiging waitress ang kanyang source of income.

At kahit anong paliwanag o justification ang gawin ni Deniece, hinusgahan na siya ng publiko dahil consistent ang mga inconsistent statement niya tungkol sa diumano’y pang-aabuso sa kanya ni Vhong Na­varro.

Siguradong mapag-uusapan uli ang kaso ng dalawa dahil promo period na ng Da Possessed, ang pelikula ni Vhong sa Star Cinema na coming soon na sa mga sinehan.

Hindi puwedeng hindi tanungin si Vhong tungkol sa malaking kontrobersiya na kinasangkutan niya.

Sure ako na masasagot ni Vhong ang lahat ng mga question dahil wala na siyang inililihim. Sinabi na niya ang lahat ng mga nangyari noong Jan. 22 sa condo unit na nirerentahan ni Deniece. Ang maganda kay Vhong, detalyado at hindi nagbabago ang kanyang mga kuwento kaya nakuha niya ang suporta at simpatiya ng mga tao.

Celeste Legaspi babalik sa ikalawang TV project

Balik-telebisyon si Celeste Legaspi dahil kasali siya sa cast ng Ang Dalawang Mrs. Real, ang upcoming teleserye ng GMA 7. Mga bida sa project sina Maricel Soriano, Dingdong Dantes, at Lovi Poe.

May mga nagsasabi na comeback project ni Celeste ang Dalawang Mrs. Real dahil matagal na hindi siya napanood sa TV.

Hindi totoo ang kanilang mga pralala dahil napanood si Celeste sa Glamorosa ng TV5.

I should know dahil nasubaybayan ko ang Glamorosa. Tatiana Herrera ang pangalan ng karakter na ginampanan ni Celeste. Sure na sure ako sa sinasabi ko dahil bida sa Glamorosa si Lorna Tolentino.

Magaling na singer si Celeste at mahusay din siya na aktres. Si Celeste ang leading lady ni Papa Joseph Estrada sa pelikulang Mamang Sorbetero na official entry sa Manila Film Festival noong 1979. Kasikatan noon ni Celeste at ng kanyang hit song na Mamang Sorbetero.  

Pinay na apat na taon lang agaw-eksena sa presscon ng Spiderman 2 sa Singapore

Nagnakaw ng eksena sa presscon ng The Amazing Spiderman 2 sa Singapore ang isang bagets girl na Pinay na nagpakuha ng litrato na kasama ang cast.

Four years old ang bagets na biglang umakyat sa stage para sa photo-op na kanyang pinakamimithi.

Walang nagawa ang mga security personnel sa pag-apir ng bata dahil game na game na nagpa-picture sa kanya ang mga artista ng Spiderman, sina Andrew Garfield at Jamie Foxx.

Take note, ang pagpapakuha ng litrato ng bagets Pinay ang highlight ng presscon ng The Amazing Spiderman 2. Wagi ang eksena ng bagets dahil na-feature siya sa mga newspaper at news program sa Singapore.

Pamilya Gutierrez naunang sumikat sa Kardashians

Na-feature si Ruffa Gutierrez sa isang leading broadsheet sa Singapore dahil sa upcoming reality show nila ng kanyang pamilya sa E! ang It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Nakabalik na si Ruffa sa Pilipinas nang ma-publish sa Singapore broadsheet ang long article tungkol sa kanya. Nagpabili na lang si Ruffa ng kopya ng diyaryo sa kanyang mga kaibigan na nasa Singapore para may souvenir siya.

Intriguing ang headline ng diyaryo dahil ikinumpara sa Kardashians ang mga Gutierrez. Hindi dapat i-compare ang dalawang pamilya dahil mga celebrity na ang mga Gutierrez bago pa nakilala ang mga Kardashian.

vuukle comment

AMAZING SPIDERMAN

CELESTE

CELESTE LEGASPI

DAHIL

DENIECE

GLAMOROSA

MAMANG SORBETERO

MRS. REAL

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with