^

Pang Movies

Comedian-TV host saksakan ng higpit sa GF, bawal pati ang mahabang kuko at manicure

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ngayon lamang naming nalaman na napakahigpit palang boyfriend ng isang comedian-TV host. No wonder na hanggang sa ngayon ay single pa rin siya. Ikinuwento ng mga nakakakilala sa kanya na hin­di puwedeng mahaba ang nails ng girlfriend niya. Hindi rin siya puwedeng magpalagay ng nail polish. Kahit ang mga isinusuot na dress ng mga naging girlfriend niya, pinakikialaman niya dahil napaka-conservative niya talaga. 

Ang manager niya, hindi rin siya napipilit tumanggap ng offers kung sa palagay niya ay makasisira sa kanyang mga principle. Lately, tinanggihan niya ang offer na soap sa kanya dahil ayaw daw niyang magtrabaho nang matagal. Okay lamang siya kung guest-guest lamang pero kung full-length soap ay ayaw niya.

Alwyn tiniis ang masuntok habang nasa training

Thankful si Alwyn Uytingco na dumating na ang time na siya na ang bida sa isang serye ng TV5, ang Beki Boxer. Mahusay na aktor si Alwyn at matagal na siyang gumagawa ng mga project pero laging second lead lamang siya. Lalong natuwa si Alwyn nang malaman niyang sa halip na once a week lamang ang serye, ginawa na itong daily sa primetime na mapapanood na simula sa Lunes, March 31, 7:00 p.m. at siyang papalit sa Let’s Ask Pilipinas ni Aga Muhlach. Nagustuhan daw ng management ang serye nang i-present ito sa mga higher up ng network.

Sa grand launch may kurot sa puso ang pilot episode na ipinapanood sa mga entertainment press, na nagpapakita ng pagmamahal at respeto sa magulang, ang maabot ang pangarap regardless of social status, gender, and sexual orientation. 

And for his role as Rocky Ponciano sa Beki Boxer, three months bago sila nagsimulang mag-taping, kumuha na ng basic training sa boxing si Alwyn sa Ultimate Fitness. Tiniis daw niya ang masuntok sa simula ng training pero fulfilling nang magsimula na silang mag-ta­ping under directors Jade Castro at Monti Parungao. 

Dagdag pa ni Alwyn, huwag daw mag-expect ng kissing scenes nila ni Vin Abrenica na secretly in love siya dahil ka-love triangle nila si Claire Hartell.

Kim magkaka-happy ending din

Final episode na ng Paraiso Ko’y Ikaw mamaya, bago ang 24 Oras sa GMA 7. Tiyak na ikatutuwa ng fans ni Kim Rodriguez na pagkatapos ng maraming sampal at masasakit na salita sa kanya bilang si Josephine, dahil hindi siya matanggap ng pamilya ng amang si Edwin (Gabby Eigenmann), happy ending naman ang love story nila ni Tupe (Kristoffer Martin). 

Ikatutuwa rin ng mga sumusubaybay ng romantic drama series na matatapos na rin ang kasamaan ni Yvette (Jessa Zaragoza) pero masasawi naman si Berto (Neil Ryan Sese) sa pagliligtas niya sa tunay niyang anak na si Tupe. Si Berto ang nang-rape kay Regina (G Toengi) na siyang tunay na ina ni Tupe.

Naayos din ang lahat at nagkaroon na ng pagmamahalan kay Edwin at sa dalawa niyang anak, sina Josephine at Cheska (Joyce Ching) matapos ma-realize ni Cheska kung gaano kasama ang inang si Yvette. Maaayos din ang relasyon nila ni Brix (Pythos Ramirez) at later on ay magkakatuluyan na rin sina Edwin at Regina, na bata pa sila ay nagmamahalan na. At sina Josephine at Tupe, muling mararanasan ang paraiso sa isa’t isa.

 

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALWYN

BEKI BOXER

EDWIN

NIYA

SIYA

TUPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with