^

Pang Movies

Candy nanghihingi ng child support sa dating asawa

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

May anak na special child si Candy Pangilinan kaya nagsilbi itong challenge sa aktres. Katulong niya ang isang doktor na sumulat ng libro tungkol sa journey ng isang special child.

Ten years old pa lang ang anak ni Candy na si Quentin nang nalaman niya na may autism ito. Pitong taong gulang pa lang ito ay napansin niyang nababanlag ito, naduduling, kaya pinatingnan sa doktor kahit pinagsalamin na ang bata hanggang mag-three years old.

‘‘Kakaiba kung mag-tantrum si Quentin dahil kapag may tantrum ito ay inuumpog ang ulo niya sa dingding. Hindi siya nakakaramdam ng sakit kahit may bukol na,’’ sabi ng ina.

Kung kani-kaninong doktor na niya ito pinatingnan at iisa ang diagnosis nila, may autism nga ang kanyang anak. Pina-therapy naman niya si Quentin. Nag-aaral siya sa isang regular school pero may pinapasukan pa rin itong special school.

Hiwalay sa kanyang husband si Candy at gusto niyang mag-file ng child support dahil nahihirapan siyang gastusan ang patuloy na pagpapagamot ng kanilang anak.

Kasama si Candy sa Beki Boxer bilang nanay ni Alwyn Uytingco at Cholo Barretto. Asawa naman niya sa TV5 series si Christian Vasquez.

Tampok pa rin sa Beki Boxer sina Danita Paner, Vin Abrenica, Onyok Velasco, at Joross Gamboa.

Cholo dedma sa away ng Barretto sisters

Ayaw makialam ni Cholo Barretto sa awayang Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto. Ayon sa pamangkin, matatanda na sila para pakialaman pa ang kanilang buhay. Ipinagdarasal na lang niya na sana’y maayos na ang kanilang awayan.

Nagpapasalamat si Cholo sa malaking break na ibinigay sa kanya ng TV5 bilang kapatid ni Alwyn Uytingco.

Dating Star Magic talent si Cholo at unang lumabas sa Berks 10 years ago. Naka-eight na siyang nobya na puro non-showbiz.

Crush niya ang Kapatid star na si Ritz Azul at sana raw ay magkasama sila sa isang project someday.

 

vuukle comment

ALWYN UYTINGCO

BEKI BOXER

CANDY PANGILINAN

CHOLO BARRETTO

CHRISTIAN VASQUEZ

CLAUDINE BARRETTO

DANITA PANER

DATING STAR MAGIC

NIYA

QUENTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with