^

Pang Movies

Dahil sa maayos na hitsura sa puntod ni Rico: Claudine puwedeng-puwede nang ituloy ang acting career

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May sagot na sa mga nagtatanong tungkol kay Claudine Barretto na matagal nang hindi nasisilayan sa TV, maliban na lang kapag pumupunta siya sa korte para sa hearing ng mga kaso niya laban sa mister na si Raymart Santiago.

Ang pagpunta sa puntod ng kanyang ex-boyfriend na si Rico Yan ang recent activity ni Claudine.

Pinuntahan niya ang libingan ni Rico sa Manila Memorial Park sa Parañaque City noong Biyernes, March 14, ang 39th birth anniversary ng aktor na namatay noong March 2002.

Nalaman ng madlang-bayan ang pagbisita ng aktres sa puntod ni Rico dahil siya mismo ang nag-post sa kanyang Facebook account ng litrato niya. Natuwa ang fans nina Claudine at Rico sa ginawa ng aktres dahil hindi nito nalimutan ang kaarawan ng dating karelasyon.

Sikat na sikat ang love team noon nina Claudine at Rico pero nagkahiwalay sila bago ipalabas sa mga sinehan ang kanilang blockbuster movie na Got to Believe.

Hindi napansin ng mga reporter na may problema ang dalawa habang ipino-promote nila ang kanilang pelikula. Nalaman lang ng publiko na hiwalay na sila nang mamatay si Rico sa Dos Palmas, Palawan.

Big news noon ang pagpunta ni Claudine sa burol ng labi ni Rico sa La Salle Greenhills, San Juan City.

Talent ng ABS-CBN sina Claudine at Rico pero si Paolo Bediones na host noon ng S-Files ng GMA 7 ang kasama ni Claudine nang puntahan nito ang burol ni Rico. Mahigpit ang security pero nailusot ni Paolo ang dala na pen camera kaya nagkaroon ng exclusive report ang S-Files.

Natatandaan ko ang buong pangyayari dahil kabilang ako sa mga nakiramay noon sa pamilya na naulila ni Rico.

All white ang outfit ni Claudine with matching pearl necklace nang dalawin niya ang puntod ni Rico. Sinamahan siya sa Manila Memorial Park ng kapatid ni Rico na si Geraldine Yan-Tueres.

Kung pagbabasehan ang hitsura ngayon ni Claudine, puwedeng-puwede na siyang bumalik sa showbiz at i-resume ang naudlot na acting career. Ang say ng fans ni Claudine, miss na miss na nila ang kanilang idol. Wondering sila kung kailan nila uli mapapanood sa mga drama series at pelikula si Claudine na busy pa sa kaliwa’t kanan na demanda niya kay Raymart.

Pamilya ng Gutierrez tikom pa rin sa malaking rebelasyon

One week na mawawala sa Pilipinas ang Gutierrez family dahil sa taping ng It Takes Gutz to be a Gutierrez sa Singapore, Malaysia, at Thailand.

Excited ang pamilya nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama dahil first time nila na magkakasama sa isang Asian cruise. Business with pleasure ang mangyayari dahil nakapagbakasyon na sila, kikita pa ng datung ang mga Gutierrez dahil gagamitin sa It Takes Gutz to be a Gutierrez ang mga eksena ng kanilang Asian Cruise.

Nag-promise si Annabelle Rama na magpapatawag pa sila ng maraming presscon para sa kanilang first reality show na pang-international ang calibre dahil mapapanood ito sa E!

Ang isang big revelation ang dapat abangan sa It Takes Gutz to be a Gutierrez. Kanya-kanya ng mga haka-haka at hula ang mga tsismosa pero tikom ang bibig ng pamilya Gutierrez dahil mas gusto nila na hintayin at panoorin ng mga tao ang kanilang kontrobersiyal na rea­lity show.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

ASIAN CRUISE

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DAHIL

GUTIERREZ

IT TAKES GUTZ

MANILA MEMORIAL PARK

RICO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with