^

Pang Movies

Carla inaayos ang problema kay Geoff

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ginagamot pa ang mga sugat sa relasyon ng lo­vers na sina Carla Abellana at Geoff Eigenmann. Eh sa isang pahayag ng aktres, hindi dahilan ang away nila ni Geoff ngayon upang masira ang tatlong taon nilang relasyon.

Eh hindi man umamin si Geoff na nagkaroon sila ng tampuhan ni Carla last Valentine’s Day, dama naman sa mga pahayag ng aktres ang himig pagtatampo sa hindi natuloy na Valentine’s date nila.

Sa ngayon, mas abala si Carla kesa sa actor boyfriend. Katatapos lang ni Geoff ng Adarna habang ang aktres ay tinatapos ang Regal movie nila ni Tom Rodriguez na So It’s You.                                 

Marian ayaw paawat sa kaiikot

Hindi natitinag ang GMA Network kahit mabigat ang katapat na programa ng Carmela nina Marian Rivera at Alden Richards. Tuloy pa rin ang dalawang bida sa paglilibot sa probinsiya upang pasalamatan ang followers ng kanilang drama series.

Bukas, nasa Davao sina Yan Yan at Alden para sa Araw ng Dabaw ce­lebration. Meron silang Kapuso mall show sa NCC Mall sa Davao sa ganap na alas-singko ng hapon. Kasama nilang magpapasaya sa mga tao ang kumanta ng theme song na si James Wright.

Just recently, nakapagsara na naman ng isang endorsement si Marian kaya naman tadtad na naman ang inggit ng mga taong insecure sa kanya! When it rains, it really pours, ‘di ba, Yan Yan? Mamatay sila sa inggit!

Gov. ER nagpapasalamat sa exposé

Naglabas ng statement si Gov. ER Ejercito tungkol sa isyung kinasangkutan ng publicist niyang si Jobert Sucaldito. Inisa-isa ng actor turned politician ang achievements niya bilang artista at mga award na nakuha niya sa Asiong Salonga at Emilio Aguinaldo.

Ang paggawa ng pelikula isang beses sa isang taon bilang pangako sa ninong na si Fernando Poe, Jr. ang dahilan ng muli niyang pagsabak sa pag-arte kahit marami siyang responsibilidad bilang Tatay ng Laguna.

Bahagi pa ng kanyang pahayag, “I do not have anything to do with the controversy!”

At kanya ring pinasalamatan si Jobert sa exposé niya.

Sa ngayon, mas pinagkakaabalahan ni Gov. ER ang parating na Palarong Pambansa na gaganapin sa Laguna next month.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ASIONG SALONGA

CARLA

CARLA ABELLANA

DAVAO

GEOFF

YAN YAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with